Hello guys! Eto nanaman yung pasulpot-sulpot kong update. My ghad! Ang layo na ng narating natin. Huhu nararamdaman ko na ang ending. Papalapit na sya. Naalala ko tuloy nung bago palang 'to. Tuwang tuwa na ko nung naka 20k+ reads 'to akala ko kasi walang magbabasa. Pero tignan natin ngayon. Nakakaloka. 1M na sya at dumadami na rin ang bilang ng nyong pumafollow at sumusuporta sa akin. Salamat ng marami.
Gayon pa man, hindi pa rin mawawala ang mga 'haters' lmao. Okay lang, di ko sila love. Kayo lang love ko. Haha.
So yun na nga, dahil papalapit na ang pagtatapos nito, (gagraduate na sila sa wakas) ay malapit ko na ring i-post ang bago kong story! Ayooo! SEARCHING FOR VALKYRIE ang title nya at sana suportahan nyo rin gaya ng pagsuporta nyo sa pabebe nating Academy at mga pabebe nating cast at syempre sa pabebe rin nating author. Lol.
Yun lang. May napansin ba kayo? Haha nauna nanamang dumaldal yung daliri ko kaysa sa kwento ano? Hahahaha. Sige basa na. :)
Kana's POV
Isang oras na ang nakakaraan mula nung iwan ko si Ken sa may tapat ng flagpole ibig sabihin, ay isang oras na rin ang nakakaraan mula ng bumalik ako dito sa dorm. Isang oras na puro pag-iisip nalang ang ginagawa ko.
Selfish ba ako? Maka-sarili bang maituturing yung ginawa ko kay Ken? Parang pinaasa ko sya. Pero tama naman ako diba? Tama naman na pag-isipan ko munang mabiti bago ako pumasok sa isang sitwasyon na hindi lang ako ang mahihirapan oras na nagkamali ako.
Pero Kana, kailangan bang humantong sa ganito? Hindi bat ganon naman ang gusto mo? Hindi ba minsan mo nang sinabi sa sarili mo na sana gusto ka rin ni Ken?
Pero, nagbago ang lahat nang sinabi nyang mahal nya ako. Parang, nagkaroon ako ng pagdadalawang isip nang marinig ko iyon mula mismo sa kanya.
Oo alam kong may nararamdaman ako kay Ken at hindi lang iyon bastang pagkagusto lang, pero natakot ako. Natatakot ako na baka nalulunod lang sya sa ideyang gusto nya ako kaya nasabi nyang mahal nya ako. Gaya ng sinabi ko, magkaiba ang gusto sa mahal.
Pero mahal ko ba talaga si Ken?
Hindi ko nabilang ang mga segundo, minuto o baka oras na lumipas mula nang tumitig ako sa kisame. Blankong puti lang iyon pero habang tumatagal ay nakakabuo ang utak ko ng larawan doon.
Larawan ni Ken.
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Kinakabahan ako at naiinis sa sarili ko, at hindi ko alam kung bakit.
'Hindi sukatan ang dami ng dahilan para masabi mong mahal mo ang isang tao Kana. Pwedeng tatlo, dalawa, at pwede ring isa lang na dahilan Kana.'
Narinig ko ang boses ni Ken sa utak ko pati na rin yung eksaktong mga salita na sinabi nya kanina. Darn Kana!
'Pwedeng dahil lang sa kaya ng taong 'yon na pabilisin ang tibok ng puso mo Kana. Kayang-kaya mo 'yong gawin sa akin.'
At kayang-kaya mo rin 'yang gawin sa akin. Kayang-kaya mo ring pabilisin ang tibok ng puso ko na para bang kakawala na ito sa dibdib ko.
Napasabunot ako sa sarili kong buhok. Damn! You're in love with him Kana! Why are you so stupid to the point that you can't even understand your own feelings? Why are you like that? Bakit habit mong magpaiyak ng mga tao sa paligid mo?
BINABASA MO ANG
Himitsu Academy
Misterio / SuspensoHave you ever heard about Himitsu Academy before? Of course you haven't heard it yet, unless you are one of the Mitsus and one of the inheritors of its secrets. In the academy that full of secrets and mystery. In the academy that normal people are n...
