Hays. So alam nyo na talaga XD Pasensya na kung ngayon lang naka-UD Ahaha masyado akong naging busy XD Sumali kasi ako sa one shot story chengcheng competition kaya ayon nagfocus ako dun XD plus na mental block pa ako! HAHAHAHA
Sasuke's POV
Bumalik ako ng cave at napansin kong parang may away na naganap. Mukhang galit si Ken at nakatingin sa tent ni Kana. May LQ siguro. Napansin kong nakatingin si Yuna sa akin kaya tiningnan ko sya ng tingin na parang hindi ko pa alam ang lahat para hindi sya maghinala.
Maya-maya pa ay nakita ko na si Kyoya na pumasok na rin sa tent nya.
"Ikaw saan ka galing?" Baling ni Ken sa akin nang mapansin akong nakatayo malapit sa kanila.
Nginisian ko lang sya gaya ng lagi kong ginagawa. Mahirap na kung babaguhin ko ang ugali ko. Baka maghinala si Yuna.
"Sa taas ng puno." Sagot ko na lang at dumiretso din sa tent ko. Kilala nila ako sa ganito. Yung kinakausap tapos biglang aalis kaya kailangan ko 'tong panatilihin.
Wala akong dapat baguhin habang kasama namin ang pekeng Yuna na 'to. Alam kong napipilitan lang syang gawin 'to. Dahil mabait naman talaga si Imadori. Si Imadori sya ang nasa loob ng katawan ni Yuna.
Bulag nga talaga ang pag-ibig. Biruin nyo ginawa nyang magpanggap para sa walang pusong Akuma na 'yon? Tsk tsk.
"Huwag kang bastos kinakausap kita Sasuke." Sabi ni Ken nang bubuksan ko na ang tent ko.
Tsk. Pinipilit kong huwag syang kausapin dahil ayokong magsalita. Ayokong may magawa akong makakapagpaduda kay Yuna/Imadori. Dahil oras na malaman nya sira na ang plano ko. Loyal sya kay Akuma kaya balewala din ang napagsamahan naming dalawa noong hindi pa bumabalik ang ala-ala ko.
"Hindi ako bastos, sadyang ayaw lang kitang kausap." Sabi ko at umalis na lang ulit. Kesa naman sa kausapin pa ako ng kausapin ni Ken.
Ken's POV
Kumukulo na talaga ang dugo ko jan kay Sasuke. Hindi na ako magtataka kung bakit isa sya sa mga pinaghinalaan ko. Tss, mayabang! Sya lang talaga ang nakakagawa ng ganon sa akin. Nagagawa nya akong barahin. Si Kyoya hindi magawa yun dahil alam nyang mainitin ang ulo ko pero si Sasuke... Pakyu sya.
Kung hindi ko lang iniingatang makapagpakawala ng kapangyarihan ngayon kanina ko pa sya sinunog.
Dumiretso na din ako sa tent ko bahala na muna. Hindi ako dapat magpadala sa galit ko. May binabantayan ako kung sino man talaga ang traitor sa grupo namin makikita nya! Ano kaya yung pinag-usapan ni Kana sa labas? Tss. Hindi pa rin talaga ako komportable kapag kasama ni Kana si Misaka. I don't trust Misaka right now. Mahirap magtiwala.
Matagal akong nag-isip sa loob ng tent ko, mabilis na lumipas ang oras at hindi ko namalayan... Lumabas na lang ako sa tent at nakita ko na lang na paalis na si Yuna at Kyoya. Sila nga pala ang naka-assign ngayon na kumuha ng pagkain.
BINABASA MO ANG
Himitsu Academy
Mysterie / ThrillerHave you ever heard about Himitsu Academy before? Of course you haven't heard it yet, unless you are one of the Mitsus and one of the inheritors of its secrets. In the academy that full of secrets and mystery. In the academy that normal people are n...
