Chapter Thirty Eight

55.3K 1.6K 173
                                    

Ayooo! Kawaaaiii! Hello sa mga umabot sa chapter na 'to na laging nagbo-vote at comment mula umpisa at sa mga silent readers hello ulit! Thank you ng marami. #MeMasabiLangAko.

Anyways nagpalit na ako ng username wahaha! demigodsimel na sya ngayon. At dahil nga bago na ang username ko, pipilitin kong MAS pahabain at MAS pabilisin ang bawat update ko! Oha! Ano say nyo? Hahahaha.

Kana's POV

Inagahan ko ang gising ko ngayong araw para mahanap agad sina Misaka, hindi talaga sila bumalik ni Sasuke kagabi. Magkasama kaya sila? Naglagay na rin ako ng mga helpful na gamit sa bag pack ko, incase na kailanganin namin.

"Anong sabi mong wala si Yuna sa tent nya!?" Naisarado ko agad yung bag ko at dali daling lumabas ng sarili kong tent pagkarinig ko ng sigaw ni Ken. Nawawala si Yuna?

"Wala nga sya 'don, kung gusto mo ikaw na mismo yung tumingin sa tent nya." Sagot naman ni Kyoya na nakahanda na rin at sakbat ang bag nya.

Nilapitan ni Ken yung tent ni Yuna at nakita ko kung paano umapoy ang kamay ni Ken nang makita nyang wala ngang Yuna sa loob ng tent. Dali dali ko namang binawasan yung oxygen content ng apoy nya dahil mahirap na baka lumaki yung apoy nya, mapahamak pa kami.

Humarap si Ken sa samin doon ko nakita na kulay pula yung mga mata nya. Kulay pula? Lumalabas lang yung kulay red or blue na mata kapag galit, hindi makaya yung emosyon, o kaya naman nagkoconcentrate kaming mga Mitsu. Sa case ni Ken hindi naman sya mukhang nagkoconcentrate... Mas mukha syang galit at pinipigilan nya lang pero hindi nya makaya. Delikado 'to, yung kapangyarihan kasi ni Ken yung pinakamahirap pakalmahin kapag galit yung nagmamay-ari.

Napatingin ako kay Kyoya, nagkatinginan kami.

"You know this... This is bullsh*t! All this time! Ugh, it's Yuna she's the traitor! Sh*t ang tanga ko para isiping si Misaka yon pero... Ugh! We gotta go find them!" Napatingin ako sa kamay ni Ken, umuusok na lang iyon at sa tingin ko pinipigilan nya talagang lumabas ang apoy roon.

"Wait, anong traitor? Si Yuna?" Napalingon ako kay Kyoya, oo nga pala wala syang alam 'don dahil ako lang naman ang sinabihan ni Ken tungkol doon.

"Wala nang oras para ipaliwanag sayo Kyoya, kailangan na nating hanapin sina Misaka. Delikado na, tingin ko kaya umalis si Yuna ay dahil natugunan nya nang naghihinala na ako sa kanya. Delikado kapag nakalapit na sya sa mga chitaens." Tumango na lang si Kyoya.

"Ako na lang yung magkukwento sayo, pero hindi pa ngayon." Sabi ko kay Kyoya.

"Wait, alam mo?" Tumango ako. Kumamot na lang sya ng ulo. "Ako na lang pala yung hindi nakakaalam."

Nagsimula na kaming maglakad, yung mabilis na lakad. May palinga-linga effect pa kami dahil baka nasa paligid lang sila at hindi pa nakakalayo, dahil nagpalipas muna ng gabi bago umalis.

Puro puno lang yung nadadaanan namin at masukal talaga yung daan. Medyo kinakabahan nga ako e dahil baka maligaw kami.

"Sandali lang." Napatingin kami ni Ken kay Kyoya. "Shhh..." Sabi pa nya, parang pinakikiramdaman nya yung paligid namin. Iniwasan ko namang makagawa ng kahit na anong ingay.

Nanatili kami sa ganoong posisyon nang magsalita si Ken.

"Ano ba yan Kyoya, sayang yung oras o!" Naglakad si Ken palayo. Susunod na dapat ako nang biglang sumigaw naman si Kyoya.

"KEN DAPA!" Kitang kita ko lahat ng nangyari. Bumilis agad yung tibok ng puso ko.

Mabilis na dumapa si Ken at kasabay ng pagdapa nya ay ang paglabas ng madaming arrows sa magkabilang gilid nya. Kung hindi sya nakadapa agad malamang nakatusok na sa kanya yung mga 'yon.

Himitsu AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon