Dedicated sayo SapphireRed03 love lots :) Thanks for reading stress reliever talaga kapag may nababasa akong comment :) HAHA please keep on supporting kahit hindi ito kasing ganda ng inaakala nyo HAHAHA pero I'll do my BEST :)Kana's POV
"Hindi pa ba kayo lalabas? Una na ako a?" Sabi ko at lumabas na. Naiinis ako sa sarili ko! Hindi ko makontrol e. Bakit hindi ko mailabas kung ano man yung kapangyarihang meron ako?
Para ngang may iba e. Parang ang bilis ng normal na lakad ko. Wala pang isang minuto tinatahak ko na yung maze na dinaanan namin kanina.
Pero mas merong kakaiba. May nararamdaman akong may sumusunod sa akin.
Mas binilisan ako ang paglakad at nakita ko na lang na hindi na pala sakop ng Academy ang lugar na nilalakaran ko.
At yun na nilamon na ng dilim yung ulirat ko. Paanong! Paanong nakulong ako sa loob ng katawan ko?
"Hindi ko inaasahan namatutugunan nyo ako. Akala ko makakakuha na ako ng chosen Mitsu." Sabi ng katawan ko. Sinong kumokontrol sa katawan ko? Hindi ako yun!
"Nagkita ulit tayo Misaka."Huh? Nandito si Misaka? Ibig sabihin ba nun nandito din si Yuna?
"Iba na akong makipaglaro ngayon Ken. Hindi ako ang aalis dito, kayo dapat ang makapag paalis sa akin dito." Anong? Hindi lang si Misaka at Yuna yung nandito pati yung mayabang na nagsunog ng puno? At bakit ganon? Yung katawan ko lang yung naririnig ko!
"Kailangan munang masaktan ng katawan na 'to bago ako umalis. Bibigyan ko kayo ng sampung minuto para mapaalis ako dito. At kung hindi nyo ako mapapaalis, pasensyahan tayo pero AKIN na ang katawan na 'to." Katawan ko ba yung tinutukoy ng katawan kong kailangang masaktan? At sampung minuto? Kapag hindi nila napalabas yung hudas barabas na pumasok sa katawan ko KANYA na ang katawan ko? Langya! Paano ako? GUYS okay lang na masaktan ako basta AKIN LANG ANG KATAWAN KO!
BINABASA MO ANG
Himitsu Academy
Misteri / ThrillerHave you ever heard about Himitsu Academy before? Of course you haven't heard it yet, unless you are one of the Mitsus and one of the inheritors of its secrets. In the academy that full of secrets and mystery. In the academy that normal people are n...