Kana's POV
Alas tres pa lang ng madaling araw umalis na kami ng bahay pero seven na hindi pa din kami nakakadating sa dapat naming puntahan, gaano na talaga kalayo? Hindi pa ba kami naliligaw? Puro puno lang yung nadadaanan namin parang wala namang school dito sa pupuntahan namin. Ayoko namang magtanong dahil baka pumiyok ako ayokong mahiwalay sa kanila pero kailangan.
Gusto kong pumikit pero gusto kong makita kung ano yung mga dinadaanan namin kahit puro puno naman. Para syempre incase na gusto kong umuwi alam ko yung dadaaanan namin.
Sinalpak ko na lang yung earphone ko sa tenga ko. Ano kayang mangyayari sa first day ko? Mababait kaya sila? Sana naman oo. Dahil kung hindi sila mababait wag na silang aasa na magiging mabait ako sa kanila.
Mahigit dalawang oras pa yata yung tinakbo ng sasakyan nang bumaba na kami. Akala ko doon na yun pala maglalakad pa pala kami. May school ba talaga dito? Sa gitna ng gubat?
"Mom, bat parang napakalayo naman ata ng Himitsu na yon? Seryoso may school po ba dito?" Biglaan kong tanong habang bitbit yung maleta ko.
"Malapit na dito lang yun sa bungad." At nakita ko naman si daddy, nasa tapat sya ng medyo madahon na pader parang may hinahanap.
"Kairi saan nga ba yung tinutulak dito? Hindi ko namatandaan!" Sabi ni daddy kaya naman lumapit si mommy.
"Hanapin mo lang yung yin yang yun yung sign tapos yung pader sa harap nun yung itulak mo." At yun na naghanap nanaman si daddy, maya-maya may itinulak sya ayun na siguro.
Unti-unting bumukas yung pader tapos bumungad naman samin yung malaking gate. Nakabukas na sya pero kapansin-pansin yung yin yang sa gate ang laki kasi.
"Welcome to Himitsu Academy. Welcome back Mr. and Mrs. Yamaguchi. So I guess this is your daughter Kana? Am I right?" Sabi nung lalaking kasing edad ni daddy.
"Napakapormal mo Arashi, and yes she is our daughter Kana." Sabi ni mommy na nakangiti.
"Pasok kayo." Pumasok kami at naglakad, ang lawak lang. Sampung beses ata yung laki nito sa dati kong school. "Nalaman ko kay Akira na may nagbago kay Kana." Tumingin sya sakin. "Sabi sa inyo e, hindi makakaligtas si Kana. Pureblood sya kaya imposibleng makatakas sya." Ano nanaman ba yon? Pure blood? "Can I see her mark?" Anong mark?
"Nasa talampakan nya Arashi pwede bang mamaya na? Naglalakad pa tayo o." Yung tinutukoy ba ni daddy na nasa talampakan ko e yung bilog na birthmark?

BINABASA MO ANG
Himitsu Academy
Mistério / SuspenseHave you ever heard about Himitsu Academy before? Of course you haven't heard it yet, unless you are one of the Mitsus and one of the inheritors of its secrets. In the academy that full of secrets and mystery. In the academy that normal people are n...