This will be the last chapter for Himitsu Academy's book 1 so I hope that I gave you all what you expect and what you deserve while reading this story. Sana marami ang na-inspire at sana nadala ko kayo sa mundo nila kahit binabasa nyo lang ito. Lol.
MEDYO MATATAGALAN ang book two dahil magpofocus ako sa Searching for Valkyrie. Matagal na rin kasing nakaimbak 'yon sa works ko at gusto ko ma-miss nyo muna sina Kana bago ang book two. Para naman meron silang MAJOR comeback (kuno) haha. Gusto ko rin kasing mag-ipon muna ng pang-update sa book 2 para mabilis yung pag-update. Hindi gaya nito na inabot ng almost 2 years bago natapos. Haha. *-*v
Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Pipigain ko na ang utak ko dito at asahan nyo rin na itong-ito na talaga ang pinakamahabang update sa history ng Himitsu Academy dahil last na nga kasi ito.
Kana's POV
Sabi nila once na magmahal ka, dapat handa kang harapin lahat ng consequences, at lahat ng magiging ups and down ng relasyon nyo. Dapat handa ka sa mga bagay na mangyayari dahil parte iyon ng buhay. At sabi rin nila kapag nagmahal ka raw, ay dapat handa kang mamatay para sa taong mahal mo dahil ang pagmamahal daw ay isang sakripisyo. Gaya nina Romeo at Juliet, Jack at Rose, namatay sila para sa minamahal nila pero syempre hindi kasama si Rose. Si Rose sya ang larawan ng isang babaeng tunay na minahal, nagmamahal, at patuloy na nagmahal kay Jack hanggang sa ang Diyos na mismo ang bumawi sa kanyang buhay.
Ang story nina Jack at Rose ang patunay na may halong sakripisyo ang pagmamahal. Kung tutuusin pwedeng tabihan ni Jack si Rose sa lumulutang na kahoy na inuupuan ni Rose para mabuhay sya pero hindi nya ginawa. Hindi nya ginawa dahil alam nyang oras na tumabi sya ay maaaring lumubog ang kahoy na iyon. Isinakripisyo nya ang sarili nya para sa babaeng pinakamamahal nya dahil gaya ng ng sabi ko kanina, kapag nagmahal ka, dapat handa kang mamatay para sa minamahal mo. At iyon mismo ang ginawa ni Jack.
Napaiyak nanaman ako dahil naalala ko nanaman 'yong tagpong iyon sa Titanic. Crush ko panaman si Leonardo DiCaprio tapos namatay lang sya sa movie.
Tinignan ko ang orasan, alas tres na ng umaga at hindi na ulit ako dinalaw ng antok magmula kanina. Hindi ko pa rin maalis sa isip ko 'yong naging reaksyon ni Ken kanina at hindi ko rin lubos akalain na magagawa ko iyon.
Napahawak ako sa dibdib ko dahil bumilis nanaman ang pagtibok nito. 'I'm ready to die for the second time for him.' Bulong ko. If this is what it takes, then so be it.
Naaalala ko nung sinabi nya na kailangan kong makasurvive sa war, at sinabi kong hindi ako nangangako dahil mahirap mangako lalo na't baka hindi ito matupad. Ngayon siguro gusto kong sumubok. Gusto kong pilitin na makaya ko dahil nasa akin lahat ng rason para makaya ko. Narito ang mga magulang ko, ang mga kaibigan ko, at higit sa lahat si Ken. Sapat na silang dahilan para sumubok at magpakatatag ako.
Nakita kong gumalaw galaw si Misaka sa kama nya kay umayos na ako ng higa. Ang daya nya, kanina pa sya natutulog.
I closed my eyes and suddenly I fell asleep.
Alam ko, alam kong tulog ako pero gising na gising pa rin ang diwa ko, parang nakapikit lang ako na ayaw o hindi maimulat ang mga mata.
Rinig na rinig ko pa rin ang paggalaw ng kama sa tabi ko, yung kama ni Misaka. Ramdam na ramdam ko pa rin ang bigat ng mga paang naglalakad palayo sa akin. At higit sa lahat rinig na rinig ko pa rin ang pagbukas at pagsara ng pintuan ng dorm namin.
Gusto kong magmulat para malaman kung anong nangyayari pero hindi ko magawa. Parang may kung anong enerhiya na pumipigil sa pagmulat ko ng mga mata. Hindi rin ako makapagsalita dahil pati mga labi ko ay hindi ko maibuka. Para akong na-sleep paralysis dahil wala akong kilos na magawa.
BINABASA MO ANG
Himitsu Academy
Mystery / ThrillerHave you ever heard about Himitsu Academy before? Of course you haven't heard it yet, unless you are one of the Mitsus and one of the inheritors of its secrets. In the academy that full of secrets and mystery. In the academy that normal people are n...