Kana's POV
Dumating na ang araw na hinihintay naming lahat... Ang araw ng paglabas namin sa jungle na 'to. Hinihintay na lang namin ang signal na ibibigay ng Himitsu academy para makalabas dito.
Napatingin ako sa kanilang apat, napaaga nga siguro ako ng gising. Masyado akong naexcite sa paglabas. Mga tulog pa sila.
Tumingin-tingin ako sa paligid, madilim. Pero tama lang iyon para sa mga mata ko. Nagfocus ako sa isang puno sa hindi kalayuan. Pinalibutan ko iyon ng napakaraming hangin. Napakurap na lang ako nang may napansin akong unti-unting pagbabago sa puno. Parang unti-unti iyong nawawala at nagiging invisible para sa paningin ko.
That's impossible, hindi pwedeng kaya kong gawin iyon. Para makasiguro inilipat ko ang paningin ko sa katabing puno nito at ginawa ang ginawa ko kanina. Pero pareho ang nangyari... Parehong naging invisible ang dalawa. Could it be?
Kung totoo ang iniisip kong kaya kong gawing invisible ang isang bagay, kasama ba ito sa kayang gawin ng kapangyarihan ko?
Kung ganoon nga, tingin ko this power can help us when we entered the chitaen palace. Hindi nila kami makikita kapag ginawa ko sa kanila ang ginawa ko sa mga puno...
Maaga pa, I exprored more things. Nalaman ko na hindi ko pala kayang gawing invisible ang sarili ko, at may time limit lang ang pagiging invisible 30 minutes lang at mawawala na ang bisa nito.
Nakita kong lumiwanag ang pendant ko kaya bumalik na ako sa mga kasama ko. Tulog pa rin sila pero lumiliwanag na din ang stones ng pendant nila. Baka ito na ang signal, lumapit ako sa kanila at ginising sila isa-isa.
"Umiilaw na yung pendant natin, pwede na yata tayong lumabas." Sabi ko sa kanila habang kukurap kurap pa sila.
Tiningnan nila yung pendant nila.
"Pagdikit-dikitin na natin." Utos ni Ken na ginawa naman namin kaagad.
Gaya nga ng inaasahan namin matapos naming pagdikit-dikitin ang mga pendant, naglabas iyon ng sobrang laking puting liwanang na halos sakupin na ang buong lugar na kinaroroonan namin. Pinagmamasdan ko lang kung anong mangyayari hanggang sa unti-unti ko nang namalayan na lumulutang na kami.
BINABASA MO ANG
Himitsu Academy
Mystery / ThrillerHave you ever heard about Himitsu Academy before? Of course you haven't heard it yet, unless you are one of the Mitsus and one of the inheritors of its secrets. In the academy that full of secrets and mystery. In the academy that normal people are n...
