Inuulit ko, sorry talaga. Ang totoo nyan wala pa talaga akong pasok ngayon. Sa Nov. 23 pa yung start ulit ng classes namin pero inatake ako ng sakit kong alam nyo na siguro kung ano. KATAMARAN. Tinamad akong mag-edit. Gusto ko lang matulog, magbasa, manood ng mga favorite movies ko. Gusto ko lang mag happy-happy kasi pagkatapos ng 5 months na walang tulog (mga 2h lang per day) walang pahinga, 5 months na pagkabangag, e ngayon ko lang ulit nagawa yung mga bagay na ginagawa ko bago ko pa pasukin ang Himitsu Academy. JOKE! Mga bagay na ngayon ko lang ulit nagawa simula nung mag college ako. The feels man! Huhu totoo nga yung sinasabi nila na oras na magcollege ka mawawalan ka na ng oras para sa mga bagay bagay sa paligid mo. Naalala ko tuloy yung palabas na The Toy Story. Nilagay ko yung sarili ko sa katauhan ni Andy na nung nagcollege nawalan ng panahon sa mga toys nya kaya nalungkot sina Woody. Naisip ko na nalulungkot din siguro yung mga laruan ko. Lol. Pero seryoso nakakatawa man isipin pero naglaro ako ng barbie pati lutu-lutuan kanina kasama yung pinsan kong grade 2. Hindi na ako masaya na laruin sila kaya nagpasya ako naibigay nalang sa pinsan ko. Atleast yung pinsan ko may panahon pa para laruin sila. Sana lang ingatan nya kasi kakalbuhin ko sya kapag nilagas nya yung buhok ni Barbie pati Ken (yung Ken na laruan).
Anyways ang haba nanaman ng intro ko. Back to story na. XD.
Kana's POV
Hindi na nagtagal ay nawala na rin ang bisa ng pagiging invisible nina Ken. Maging sila ay halatang nagulat nang malaman nila na maaari na silang makita ng mga kalaban. Pero madali rin naman nilang nairecover ang sarili nila.
Halata na ang hirap at pagod sa mga itsura nila. Hindi ko tuloy maiwasang hindi maawa. Lalong-lalo na kina Ruiko at Hanako dahil hindi naman sila sanay sa labanan. Mabilis ang paghinga nila at pawisan na rin sila.
Mabilis silang tumakbo papunta sa amin nang maubos nila ng mga kalaban na malapit lang sa kanila. Mas maganda na magkakalapit lang kami para mabantayan namin ang isa't-isa. Pero parang may mali. Parang may kulang sa kanila. Hindi ko masabi kung sino pero parang kulang sila ng isa.
"Teka, sino 'yan?" Biglang tanong ni sir Mamoru habang nakaturo kay Izumi na nakapagtanggal ng atensyon ko sa pag-iisip kung sino ang nawawala sa kanila..
"Sir Mamoru, ako po si Izumi." Seryosong pakilala ni Izumi sa sarili nya.
Tumingin si sir Mamoru sakin. Asking for further explanation.
"Sinundan po tayo ni Izumi dito. Don't worry sir, kung ano mang mangyari sa kanya ako ang mananagot." Seryoso ring kong sabi. Tumango naman si sir Mamoru. Syempre, hindi ko naman hahayaan na may mangyaring masama kay Izumi. Besides alam ko rin naman na kaya nyang protektahan ang sarili nya.
"Ate Kana..." Mahinang sabi ni Izumi. "Ako ang mananagot sa sarili ko hindi ikaw. Ako ang nagpasyang sumunod. Wala namang pumilit sa akin na sundan kayo. Kaya walang ibang dapat na managot kapag may masamang nangyari sa akin." Napalunok ako, desidido na si Izumi. At hindi lang 'yon ang napansin ko. Ang boses nya. Ang paraan ng pagkakasabi nya. Mas bata sya sa akin pero mas matapang sya. Handa syang magbuwis ng buhay makalabas lang kami sa impyernong lugar na ito. 'Yon ang maririnig mo sa paraan ng pagkakasabi nya ng mga salitang binitawan nya.
BINABASA MO ANG
Himitsu Academy
Mystery / ThrillerHave you ever heard about Himitsu Academy before? Of course you haven't heard it yet, unless you are one of the Mitsus and one of the inheritors of its secrets. In the academy that full of secrets and mystery. In the academy that normal people are n...
