Chapter Thirty Three.

55.1K 1.7K 344
                                        

Ayo! Hooo! Natutuwa ako last chapter kasi ang hahaba ng comment ng iba hahahaha! Dumadaldal na kayo :3 pero tngin ko hindi na talaga kayo maguguluhan oras na mabasa nyo tong update na 'to hahaha sooo? Ititigil ko na ulit yung kadaldalan ng daliri ko XD

Kana's POV

"Saan kayo nanggaling? Hindi bat sinabi kong walang aalis dito? What if may nakakita sa inyong ibang tribe?" Bungad agad ni Ken sa amin pagkapasok namin ng kweba. Mukhang galit sya...

"Eh? Diyan lang naman kami sa may talon." Sabi ko habang deretsong nakatingin sa kanya.

"Kahit na! Dapat lagi tayong magkakasama. Hindi natin alam kung kelan dadating ang hindi inaasahan. Mas magandang magkakasama tayo kung dumating ang araw na yon! Ipagpalagay nating ngayon nangyari yon tapos nakita nila kayo, wala kaming kaalam alam na may nangyayari na pala kasi nasa loob kami. Mag-isip naman kayo minsan!" Abat! So pinapalabas nyang hindi kami nag-iisip? Galing nya din ah! Hindi porke leader sya lagi na syang tama!

"Sorry kasalanan ko." Sabi ni Misaka at dumiretso na ulit sa tent nya.

Magsasalita pa sana si Ken pero sinabat ko na. Masyado na syang maraming nasabi.

"Tama na OA na." Kasi oa naman talaga dibaaa? "At tingin mo ba ganon kami kahina ni Misaka para matalo nila agad kapag nangyari yon? Isip din Ken!" Hindi naman kami mahina diba? Kainis kasi e! Umalis na ako at dumiretso na rin sa tent ko. May karapatan akong walk out-an sya kahit leader namin sya. Paki nya ba.

"Tss. Bwisit." Narinig ko pang sabi nya bago ko tuluyang isarado ang zipper ng tent ko.

Balak ko sana syang kausapin tungkol kay Misaka pero wala mukhang parehong mainit ang ulo namin. Mukhang sasarilihin ko 'to ngayon, bakit kasi ganon sya? Hindi pa nga kami natatagalan ni Misaka sa labas e. Buti na lang talaga hindi ko sinabing nakita ko ang mga Ragi kagabi kung hindi siguradong manenermon nanaman sya.

Pero yung tungkol kay Misaka humihingi sya ng tulong gusto nyang mabawi ang pamilya nya. Hays! Malalaman ko na dapat kung sino ang traitor pero biglang dumating si Yuna! Speaking of Yuna... Sya ba? Kung sya bakit nya naman gagawin yon? E anak sya ng head ng academy. At kung hindi sya... Bakit ganon sya kung tingnan ni Misaka? Maliban na lang kung may personal na away silang dalawa.

Nakakabaliw mag-isip ng mag-isa! Dapat sigurong magkaayos kami ni Ken kaagad kasi mahirap kung sasarilihin ko 'to. Naaawa din ako kay Misaka. Kaya siguro naging malulungkutin sya noong mga nakaraang araw.

Sasuke's POV

"Hindi! Hindi ako sasama sa inyo! Bitawan nyo ako!" Kanina pa ako nakatayo rito at pinapanood ang ginagawa ng mga taong iyon.

"Sasama ka sa ayaw at sa gusto mo dahil ipinag-utos ni Master." Sabi nung lalaking naka-itim na mahabang damit. Kulang na lang ay ang scyhte at mukha na syang si Kamatayan.

Nakakapagtaka lang dahil hindi ko makita ang mukha nila.

"Umalis kayo dito! Nasaan ang mga magulang ko?" Sigaw pa nung lalaki.

"Too bad. Pinatay ko na sila..." Sabi ng bagong dating na lalaki. Ano ba 'to? Bakit nakikita ko 'to?

"H-hindi! Hindi pa patay ang p-parents ko n-nasaan sila? ILABAS NYO SILA!" Nagulat ako ng sumigaw yung lalaking pinapasama nila. Ang tagpong ito... Pamilyar sa akin. Pero bakit?

"Dalhin nyo ng sapilitan yan!" Sabi nong sa tingin koy master nila.

"HINDI BITAW-" Biglang nakatulog ang lalaki at bigla ding lumipat ang scene at ngayoy nakahiga ang lalaki kabang pumipiglas. Nakasuot din ito ng white hospital gown. Nakatali ang mga kamay at paa. Pamilyar talaga.

"Desuki, umpisahan mo na ang pagbura sa memorya ng isang yan."

Napakurap ako ng tatlong beses. Habang unti-unting lumilinaw ang mga mukha ng mga taong nakikita ko, ngunit hindi pa rin iyon sapat para makita at makilala ko kung sino sila.

"Masusunod master." Sabi nung babae at may lumabas na kung anong enerhiya sa ulo ng lalaking nakahiga.

"AHHHH! ANG MEMORYA KO! HINDI AYOKONG MAKALIMOT!" Sigaw nito habang unti-unting napupunta ang enerhiya sa isang batong... Sa batong meron ako?

Kulay puti iyon at may blue at nang maglaon ay naging itim at naging kamukha talaga ng batong nasa bracelet ko. Tumingin ulit ako sa lalaki at tuluyan nang luminaw ang mukha nya para sa akin.

Walang duda... Ako, ako ang lalaking iyon.

"Nasaan ako?" Tanong ko sa mga oras na iyon ay tingin ko wala na ang memorya ko.

"Nasa Chitaen palace ka. Nakita ka namin sa gubat na walang malay... At walang buhay ang mga kasama mo." Sabi ni Akuma. Lumiwanag na rin ang itsura nya para sa akin.

"Ang mga magulang ko nasaan sila?"

"Nakita namin silang walang awang pinapatay ng mga Mitsu." Sagot pa nito.

Sinungaling, nagising akong pawisan at nasa ibabaw ng puno... Sinungaling, tinanggalan nila ako ng memorya at iyon marahil ang dahilan kung bakit hindi ko maalala si Kana kapag sinasabi nyang magkababata kami.

Nilason pa nila ang utak ko ng maling impormasyon kaya... Ganito ako ngayon, galit sa mga Mitsu. Walangya! Nagpagamit ako sa kanila... Naglingkod ako sa maling tao! Nagbigay ako ng impormasyon sa kanila tungkol sa Himitsu pero... Mali pala ang pinaglilingkuran ko.

At ang malala pa alam na nila ang lihim ng Himitsu at dahil iyon sa amin ng pekeng Yuna! Hindi pa huli ang lahat... Hindi dapat mangyari ang dapat mangyari. Kakausapin ko sina Ken. At hindi ito dapat malaman ni Yuna dahil hindi sya ang totoong Yuna.

Ang totoong Yuna ay ikinulong nina Akuma sa isa sa mga kulungan sa Chitaen palace. Dapat maitakas ko sya oras na pumunta ako roon.

Tama... Itatakas ko ang totoong Yuna. Sigurado naman akong hindi pa alam nina Akuma ang totoo hanggang hindi nila nakikita ang stone ko na bumabalik na sa dating kulay.

Sila talaga ang totoong pumatay sa mga magulang ko at hindi ang mga Mitsu. Magbabayad sila oras na makakuha ako ng tamang tyempo.

Ako, si Sasuke Yamasaki pa ang napili nilang lokohin?

Big Mistake.

xoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxox~~

Alam nyo na? Si Sasuke ang isa pang traitor at si Yuna talaga ang isa pa.

At ngayong akala ng mga Chitaen na kakampi pa nila si Sasuke ano nang mangyari?

O! Keep in touch! Hahahaha!

Gurabe ang bruha ko lang XD geh na.

Himitsu AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon