This is work of fiction. Names, characters, business, places, events and incidents are either the products of the authors imagination.
Any resemblance to actual person, living or dead is purely coincidental.
©Mafioso Akio
(Bxb)-------------------------
INTRO
~÷~
Ang DEATH RACE INTERNATIONAL ay isang legal na kompanya na pagmamay-ari ni COSIMO BONFIGLIO. Ito ay matatagpuan sa Lankford City na parte ng Magnium Guild. Sikat ito sa buong lugar lalo na sa mahihilig sa karera na tulad ng mga politiko, artista, gangster, mafian at iba pa.
Anong karera ang ginagawa sa Death Race?
Karera lang naman ito ng mga mamahaling sasakyan na pinangungunahan ng grupong EXPEDALLION CRUSADER. Sila ang lumalaban sa mga sikat, individual or grupo ng iba pang race driver na nagmula pa sa ibat ibang panig na mundo.
Ang siste ay nag iimbita si Cosimo ng maraming racer na gustong makatungtong sa Death Race Arena para maglaro. Ang numero uno nilang dapat gawin ay ang lumabanan sa Expedallion Crusader.
Lahat naman ay welcome dito. Grupo man yan o solo. Basta dapat magaling kang race driver para siguradong may chance kang magka-pera ng malaki.
Sa oras na tatlong beses mo matalo ang sino man sa siyam na miyembro ng Expedallion Crusader ay maaari kang gawing regular na racer. Kumbaga, kukunin ka o kayo ng grupo mo ni Cosimo para lang talunin nang talunin ang mga miyembro ng Expedallion Crusader.
Pero kapag isang beses ka lang nanalo sa isa man sa Expedallion Crusader at sa next match mo ay ikaw na ang natalo. Hihintayin mong pumayag ulit si Cosimo na paglaruin ka. Sa kanya pa din kasi naka-depende ang magiging desisyon dahil siya ang Boss.
Sa mga karerang nagaganap sa Death Race ay dun magpupustahan ang mga manunuod kasama na dyan ang mayayamang guest na kung tawagin ay VIP members. Sila yung mga taong ubod ng yaman na handang maglustay ng pera para lang sa sugal.
Maaring dumoble o maging triple ang pera nila sa oras na pumusta sila sa tamang racer na mananalo.
Pero kapag natalo ang racer na pinustahan nila obviously, matatalo din ang perang kanilang pinusta.
Ganun lang ka simple.
Dahil mautak si Cosimo Bonfiglio. Hindi lang pangangarera ang mayroon sa Death Race. Dito ay nagbebenta na din siya ng mga mamahaling sasakyan kaya mas lalo silang dinadayo ng mayayamang VIP members.
Sa ngayon ay malaki na ang pinagbago ng Death Race International. Mas lumawak na ang gusali nito na kayang umukopa ng mas maraming bisita. Katabi nga lang nito ang isa pang gusali na kung tawagin naman ay Death Race Head Quarters. Dito nanunuluyan ang iba pang staff at lahat ng miyembro ng Expedallion Crusader.
Sa mga susunod na taon ay nagbabalak si Cosimo na dagdagan pa ng isang grupo ang Death Race upang mas maraming matches ang mapanuod at mapagpustahan.
-------------------------------
---------------------- Ang lugar na mababanggit sa series na ito ay pawang imbento lang. Kung nabasa ninyo ang mga na una ko ng isinulat like Warlord king series at Bonfiglio series. Same same universe pa din sila. Pero hindi magkaka-ugnay ang kwento.
BINABASA MO ANG
Expedallion Crusader : BUGATTI (Completed)
Jugendliteratur"Low class member." Iyan ang bansag kay Bugatti dahil sa madalas niyang poor performance sa pangangarera sa Death Race. Bukod dun, kilala din siya dahil sa average niyang itsura at sa pagiging tahimik dahilan para bumaba ng husto ang self confidence...