"Hindi ba natin siya aawatin?" Tanong ni Hercules sabay turo kay Kaizer na walang sawang binubugbog si Martin.
Duguan na nga itong nakahandusay sa sahig. Halos ilang minuto na siyang ginugulpi ni Kaizer at walang sino man ang nagbabalak na umawat dito. Dahil sa takot siguro. Sa itsura palang kasi ni Kaizer kapag galit na ay talagang masisindak sila.
"Hayaan mo siya." Sagot ko lang sabay tawa.
Napalakpak pa ako dahil sa nasasaksihan. Seryoso si Kaizer sa pagsipa-sipa kay Martin.
"Pero, Gab. Baka mamaya makulong si Griffin niyan. Mayaman si Sir Martin. Siguradong gagantihan niya 'to."
Tinaasan ko siya ng isang kilay.
"Mas mayaman si Kaizer. Kaya niya tayong sampalin ng pera." Pagmamayabang ko.
Wala akong ideya kung gaano kayaman si Kaizer. Pero ayon sa nabalitaan kong tsismis. Isa sila sa pinaka-mayaman dito sa Lankford City.
"Tuwang tuwa ka pa." Nakanguso komento nito.
Agad akong tumango.
"Syempre naman. Sa tindi ba naman ng pinagdaan mo sa Gagong yan. Deserved niyang magulpi. Tapos deserved niya din na makulong." Sabi ko at muling napatitig kay Kaizer.
Nang hindi magsalita si Hercules ay binalingan ko ito ng tingin. Napangiti ako nang makitang nagsisimula na naman siyang maiyak.
"Gab, thank you." Biglang sabi niya.
Natatawang umiling ako.
"Wala yon. Kaibigan kita kaya gusto kong tulungan ka."
Tumatangong pinahid niya ang mga luha gamit ang panyo na pinahiram ko kanina pa.
"Gabriell! Hercules!"
Sabay kaming napalingon ni Hercules nang marinig iyon. Malapad akong napangiti nang matanaw sila Maxine, Billie, Gioffer at Allistair na tumatakbo palapit sa amin.
Nang tuluyan silang makalapit ay agad nilang pinalibutan si Hercules.
"Ayos ka lang ba?" Tanong ni Maxine.
Si Billie naman ay sinusuri ang buong katawan ni Hercules. Tila tinitignan niya kung may sugat ito.
"Bro." Tawag ni Gioffer sabay yakap dito.
Tahimik namang nakamasid si Allistair sa kanila.
"Sorry kung pinag alala ko kayo." Sabi ni Hercules sa apat.
Kumalas ng yakap sa kaniya si Gioffer bago siya tinapik sa kanang balikat.
"Mag sorry ka talaga dapat." Nakangiwing sabi nito.
Tumango si Maxine na inakbayan si Billie. Tinapik tapik naman ni Allistair ang balikat ni Gioffer.
Hindi naman umimik si Hercules. Naiiyak na nakangiti siya habang nakatitig sa apat.
"Teka, anong ginagawa ni Griffin?" Takang tanong ni Allistair na ngayon ay nakatingin kay Kaizer.
"Sino yung ginugulpi niya?" Tanong naman ni Maxine.
Napabungisngis ako.
"Si Martin." Sagot ko.
Sabay-sabay silang napatingin kay Hercules. Nakangiwi itong tumango.
"Awatin ninyo na. Baka mapatay niya na 'to." Utos ni Hercules.
Nagmamadali namang lumapit doon si Allstair at Gioffer. Inawat na nila si Kaizer. Agad naman itong tumigil. Napalunok ako sa kaba nang sandaling mapasulyap sa akin ang demuho.
BINABASA MO ANG
Expedallion Crusader : BUGATTI (Completed)
Teen Fiction"Low class member." Iyan ang bansag kay Bugatti dahil sa madalas niyang poor performance sa pangangarera sa Death Race. Bukod dun, kilala din siya dahil sa average niyang itsura at sa pagiging tahimik dahilan para bumaba ng husto ang self confidence...