Kinabahan na ako. Para akong nabibingi dahil wala akong ibang marinig kung hindi ang mabilis na pagkabog ng dib-dib ko. Tapos para pa akong naiihi kahit hindi naman. Pinagpapawisan nga ako kahit malamig naman ang simoy ng hangin dito sa kinaroroon namin.
Hindi kaya tinatawag lang ako ng kalikasan?
Kaso hindi, 'eh.
Tamad kong tinignan ang Parke na kinaroroonan naming dalawa. Napakapayapa dito. Parang kaming nasa classroom na bawal ang maingay dahil may naglilista.
Ewan ko ba kay Kaizer at bakit dito niya ako inaya. Ine-expect ko pa naman sa isang restaurant kami pupunta dahil medyo nagugutom ako.
Hindi pala medyo. Gutom na talaga ako.
"Bakit hindi ka nga nagrereply sa mga text ko?" Tanong niya habang nanatili ang tingin sa ilang taong nasa paligid.
Alas-singko na ng hapon at palubog na ang araw kaya nagsisimula nang magdagsaan ang ilang tao dito sa park. Magkatabi kaming nakaupo sa isang wooden bleachers na nagkalat sa tabi-tabi.
"Wala nga akong load." Muli kong palusot.
Napangiwi ako nang ibaling niya ang tingin sa akin. Nakita kong magkasalubong ang mga kilay niya dahilan para kabahan ako.
"Nagtatanong ako ng maayos."
Peke akong napangiti bago bumuga ng hangin.
"Ayokong mabasa kung ano man ang tinext mo." Sagot ko.
"Bakit?" Agad naman niyang tanong dahilan para mapairap ako.
"Anong bakit? Syempre mamaya masakit pala sa dibdib basahin yon. Eh, di nasaktan pa ako."
Kumunot ang noo niya.
"Paano mo malalaman kung ano yung tinext ko kung hindi mo titignan para basahin."
Oo nga 'no?
Hindi ako umimik. Bahagya lang ako natigilan sa kaniyang sinabi dahil na-realized kong may punto siya.
"Kunin mo yung cellphone mo. Ngayon na." Utos niya.
Tamad na dinukot ko sa bulsa ng pants ko ang cellphone ko. Tapos ay binasa doon ang halos 20+ na message niya. May ilan doon na nakapagpatigil sa akin.
- Gab, please mag usap tayo.
- Mag reply ka. Ginagantihan mo ko :(
- Magkasama daw kayo ni Torralba kagabi?
- Mag usap tayo nang maintindihan mo ang side ko.
Matapos mabasa ang mga iyon ay dahan-dahan akong nag angat ng tingin sa kaniya. Nakasimangot siyang umiling.
"Sorry naman akala ko kasi yung text mo mapanakit, 'eh."
Muling kumunot ang kaniyang noo.
"Mapanakit?"
Nakangusong tumango ako.
"Diba, nag confess ako sayo? Tapos anong isinagot mo? Wala. Dedma ka lang. Hindi ka nagsalita. Anong gusto mong isipin ko dun? Syempre kinabahan ako dahil baka nandidiri ka na sa akin." Paliwanag ko.
Napaiwas ako ng tingin dahil sa sinabi ko. Namataan ko ang ilang magkasintahan sa paligid na tila may sari-sariling mundo.
Parang kami ni Kaizer.
Hindi ko mapigilang mairita habang inaalala ang naramdaman ko ng araw na yon dahil wala akong sagot na narinig mula sa kaniya.
Feeling ko rejected ako kahit hindi niya naman literal na sinabi.
BINABASA MO ANG
Expedallion Crusader : BUGATTI (Completed)
Teen Fiction"Low class member." Iyan ang bansag kay Bugatti dahil sa madalas niyang poor performance sa pangangarera sa Death Race. Bukod dun, kilala din siya dahil sa average niyang itsura at sa pagiging tahimik dahilan para bumaba ng husto ang self confidence...