CHAPTER 8

1.7K 59 68
                                    

Hindi ko na mabilang kung ilang beses na ba ako napabuntong hininga habang nakatitig sa bracelet na suot ko. Hindi ko kasi maintindihan kung bakit binigay sa akin ni Kaizer Griffin ito. Samantalang, malinaw pa sa sikat ng araw na alam ko ang dahilan kaya niya ito binili sa mall dahil nga kay Ford.

Gusto niyang mag-pa-impress kaya kapag nagkita sila ay bibigyan niya ito ng regalo.

Pero kagabi, sa akin niya ito ibinigay dahil mas bagay daw sa akin.

Engot. Naawa lang siguro sa akin kaya niya ibinigay.

Tama. Baka nga naawa siya dahil hindi nga dumating si Ford. So, alam niyang hindi ako kikita ng pera sa kanya. Wala akong sahod, kumbaga. Kaya itong bracelet nalang ang ibinigay niya para hindi siya maguilty. Ang akala kasi ng taong yun, naghihirap ako.

Pero kahit pa.

Nang araw na nagpasama siya sa mall para bumili ng ireregalo kay Ford. Kita ko sa mga mata niyang seryoso siya sa pag iisip kung anong magandang ibigay sa babaeng yun. So, parang ang dating ay ingaw ko ito.

As if naman na inagaw ko talaga?

Hindi syempre. Dahil siya naman nagbigay kaya lang nagtataka pa din ako.

"Sabagay, pwede naman niyang bigyan ulit ng regalo si Ford kapag nagkita na talaga sila." Mahina kong bulong.

Napahinto ako sa paglalakad bago tahimik na muling napatitig sa bracelet na suot. Napangiwi ako nang matitigan ang disensyo nito.

Lintik. Pang babae.

Sllver metal ito na napapalibutan ng maraming stones na ang disenyo ay puso.

"Pero in fairness, maganda." Patuloy kong kausap sa sarili ko.

Nag iisip tuloy ako kung isasauli ko ba ito kay Kaizer o hindi na. Parang nasasagasaan kasi yung pride ko na bakit niya ibibigay 'to sa akin, e di naman niya ito binili para sa akin? Para ito kay Ford, 'e.

Ang lumalabas kasi parang second choice ako. Kaya lang, parang ang arte ko naman kung yun ang dahilan ko?

Inis akong napakamot sa kanang sintido ko.

Bahala na nga.

Iiling iling na nagpatuloy nalang ako sa paglakad patungo sa building namin. Ngayon lunes at araw na naman ng pagpasok sa school. As usual, maaga ako ngayon. Pero kahit maaga pa ay medyo marami na ang mga estudyanteng nandito. Kani-kaniyang tambay sila sa paligid. Mayroong nagtsi-tsismisan. Mayroon din namang naghahabulan na akala mo mga bata.

Hanggang sa mapadaan ako sa open court na malapit lang sa building namin. Napahinto ako nang makita ang apat na estudyanteng lalaki na naglalaro ng basketball.

Dito sa school ay dalawa ang court nila para sa basketball. Yung isa ay medyo malayo dito sa building namin. Indoor yun saka medyo malawak. Habang ito namang isa ay outdoor. Minsan nakikita ko yung ibang varsity player ng badminton na dito nagpapractice. Bihira kasi itong gamitin kaya kapansin pansin ang dalawang net nitong sira-sira na.

"Pasa! Pasa!" Malakas na sigaw nung lalaking naka-jersey na may number 16 sa likod.

Habang yung tatlo niyang kalaro ay pawang mga naka-uniporme ng Castelli Academy.

Pinasa sa kaniya nung kakampi niya yung bola agad siyang binantayan nang katapat niya. Napataas ang isang kilay ko nang magsimula itong mag dribble.

"Shoot, Bro!" Natatawang sigaw nung kakampi ni Number 16 na nakatayo nalang sa isang tabi.

Hindi naman siya pinansin nito. Seryoso itong umatake sa bantay niya dahilan para mapaatras niya ito. Hanggang sa walang kahirap-hirap siyang nakalusot dito.

Expedallion Crusader : BUGATTI (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon