CHAPTER 34

357 16 0
                                    

"Happy birthday to you!" Malakas na sigaw ni Billie na pumapalakpak pa.

Imbes na matuwa ay nakasimangot si Allistair habang nakatitig sa lamesang punong-puno ng pagkain. Nasa tapat niya ang isang malaking cake.

Nakapalibot nga kami sa lamesa dahil mag bo-blow the candle na si Allistair.

"Blow the candle, Alli." Sabi ni Maxine na nasa tabi ko.

Tumango lang si Allistair bago inihipan ang kandilang nakatusok sa cake niya. Sabay na pumalakpak si Gioffer at Hercules na nasa magkabilang gilid niya. Si Maxine, Billie at ako naman ay nasa tapat nila.

"Ang ganda ng party ko. Parang naging children's party. Saya, ah,"  Sarkatiskong komento ni Allistair.

Natawa ako nang maunawaan ang tinutukoy niya.

Yung cake kasi na binili namin sa mall kaninang umaga ay may design na cocomelon. Pina-customized ni Gioffer. Tapos bumili ng party hat si Maxine na suot-suot naming lahat ngayon. Ang ending, mukhang hindi natutuwa si Allistair dahil nagmukhang children's party talaga ang theme ng birthday niya.

Pati nga yung mga balloons. Cocomelon din.

"Ayos lang yan. Cute nga 'eh." Nakangiting sabi ni Hercules.

Tumango ako bilang pagsang ayon. Tapos ay sumulyap sa wrist watch kong suot. Nakita kong pasado alas otso na pala ng gabi. Buti nalang talaga at maaga ang schedule ko sa Death Race kanina kaya pagtapos naming makausap ni Billie si Chin-chin at Wilhem ay agad na akong umuwi sa Death Race. Saka ko nga nireplayan ang mga text ni Kaizer.

Speaking of Kaizer.

Sabi niya male-late siya ng punta. Hindi lang ako sure kung anong oras siya darating.

"Picture muna tayo." Pag aya ni Maxine na kanina pa hawak ang digi cam niya.

Nauna silang lima sa akin dito sa resort. Huli na akong dumating dahil nga sa trabaho ko tapos nag paalam pa ako kay Miss Karin. Sakto namang good mood kaya agad akong pinayagan.

Dahil hindi naman malayo itong resort na napili ni Allistair ay nakarating ako agad dito. Nakakatuwa ngang nakahanda na lahat ng pagkain sa lamesa para daw pagdating ko kakain nalang kami.

"Sige." Pagpayag ni Billie at naglakad palapit sa pwesto nila Allistair. Sinenyasan niya naman akong sumunod na tinanguan ko lang.

Tumagal yata kami ng halos twenty minutes sa pagpipicture bago kami kumain.

Dahil pribado nga ang resort na ito ay kami-kami lang ang tao dito. Agad ngang binuksan ni Billie ang videoke na kasama sa nirentahan ni Allistair. Kaya yan, habang nag iinuman si Hercules, Allistair at Gioffer ay kumakanta siya.

Kami naman ni Maxine ay magkatabing kumakain. Sarap na sarap kami sa mga luto ni Hercules. Nakakamangha na magaling pala siya magluto.

"In fairness, Hercules. Ang sarap mo magluto." Papuri ni Maxine.

Nakangising tinungga ni Hercules ang beer na hawak. Katabi niya sa upuan si Allistair na umiinom din. Hindi ko alam kung kumain na ba sila o busog sila dahil alak agad ang tinira nila.

"Pwede na mag asawa." Sabat ni Gioffer na nasa tabi din nila. Bale napapagitnaan nila ni Hercules si Allistair.

"Asawa? Hmm." Makahulugang sabi ni Hercules sabay sulyap sa katabi niyang si Allistair.

Kasabay nito ay ang pagsipol ni Gioffer.

"Ilang taon ka na nga ulit, Alli?" Tanong ni Maxine na katatapos lang kumain.

"Trenta na yan." Pangangasar ni Billie na muling bumalik sa tabi namin ni Maxine. Nagsawa na yata sa videoke dahil siya lang ang kumakanta.

"Gago. Nineteen palang ako." Sagot ni Allistair.

Expedallion Crusader : BUGATTI (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon