Isa na yata ang Cheating sa tipikal na dahilan bakit naghihiwalay ang mga magkasintahan at mag asawa ngayon. At sino sa dalawa ang madalas makagawa ng kasalanang ganun?
Syempre lalaki.
Sila yung mga lalaking hindi marunong magpahalaga at makuntento sa ka-relasyon nila. Mga 90% siguro ang mga ganyang lalaki ngayon. Kakaunti na nga lang yung masasabi mong matino talaga. Kung may babae din na nagloloko. Siguro naman baka 20% lang sila. Mas marami pa din talaga ang mga lalaki.
Sa sitwasyon ni Gioffer at Zeno. Umiral pa din ang tawag ng laman kay Zeno. Natukso sa babae. Sandaling kinalimutan na may Gioffer na nagmamahal sa kaniya at may relasyon siyang dapat ingatan. Nang makaraos ay saka napagtanto ang mga kagaguhang ginawa. Ang ending, nagsisisi.
Kaya lang, huli na.
Iniisip ko nga baka bisexual si Zeno. Kase both gender mukhang attracted siya. Gayunpaman, nagkamali pa din siya dito kaya hindi ko siya kinakampihan. Bilang kaibigan, nandito ako para makinig lang sa kadramahan niya tungkol sa ginawang pagkakamali kay Gioffer.
Kahit ilang beses ko siyang payuhan na huwag ng guluhin si Gioffer ay alam kong hindi siya makikinig sa akin. Seryoso siya sa paghingi ng tawad dito. Kaya bahala siya.
Pero matapos niyang umiyak sa akin kagabi ay napaisip ako kung talaga bang naka-move on si Gioffer sa kaniya. Paano kung hindi pa? May chance pa ba sila?
Pero waa na siguro. Ilang beses niyang niloko si Gioffer. Kaya napaka-imposibleng may pagmamahal pa ito sa kaniya.
"Kainis naman." Rinig kong bulalas ni Billie na nagpabalik sa akin sa kasalukuyan.
Napakurap kurap ako bago ibinaling ang tingin sa kaniya. Nakasimangot ito habang nakatingin sa Laptop niyang nasa lamesa.
"Bakit ito ang topic natin ngayon? Anong malay ko sa Teenage Pregnancy. Hindi naman ako mabubuntis."
Hindi ko mapigilang matawa. Siya naman ay napanguso bago umayos ng pagkakaupo.
"Kasama yan sa dapat pag aaralan kaya wala kang choice." Sabi ko at binuklat ang notebook kong hawak. Nagsimula na akong magsulat bago pa bumalik yung Teacher namin. Inaantok pa naman ako.
"Bakit kasi marami pa din na nabubuntis ng maaga? May condom naman."
Tila nagising ang diwa ko sa tanong niya.
"Sila yung mga kabataang nadala sa bugso ng damdamin. Dahil nga mga bata pa. Wala sigurong pambili ng condom."
Dahil nga pinag aaralan namin ngayon ang tungkol sa Teenage Pregnancy. Nag research ako kagabi ng kung ano-anong info na may kinalaman doon.
"Tapos kapag nabuntis na. Mga magulang nila ang pahihirapan." Sabi ni Billie na umiiling iling.
Napatango ako bilang pagsang ayon.
"Hindi naman kasi pwedeng pabayaan ng magulang ang mga ganyan. Kahit anong mangyari anak pa din nila 'to."
Kahit magalit ang magulang sa anak kung ito ay nag asawa ng maaga. Wala na silang magagawa. Hindi din nila matitiis ang mga ito dahil alam nilang walang ibang tutulong dito kung hindi sila lang din.
Kaya sana, yung mga anak mag iisip-isip man lang muna bago gumawa ng bagay na pagsisihan nila sa huli.
"Ikaw, Maxine. Anong masasabi mo sa Teenage Pregnancy?" Biglang tanong ni Billie kay Maxine na tahimik lang sa nakaupo sa tabi niya.
Napatingin ako dito. Kanina pa ito tahimik dahil habang nagsusulat ay panay ang sulyap sa cellphone na hawak.
"Huh? Malay ko. No comment." Sagot nito na papalit palit ang tingin sa cellphone at sa notebook niya.
BINABASA MO ANG
Expedallion Crusader : BUGATTI (Completed)
Teen Fiction"Low class member." Iyan ang bansag kay Bugatti dahil sa madalas niyang poor performance sa pangangarera sa Death Race. Bukod dun, kilala din siya dahil sa average niyang itsura at sa pagiging tahimik dahilan para bumaba ng husto ang self confidence...