"Feeling ko ang taba ko na." Nakasimangot kong sabi habang kinukurot kurot ko ang sarili kong pisngi.
Napakurap kurap ang mga mata ni Mclaren sa akin.
"Parang hindi naman. Mas maayos ka lang tignan ngayon. Halatang may nag aalaga na."
Napaubo ako dahil dun. Nakita kong napataas ang isang kilay ni Mazda na katabi ni Mclaren sa kabilang sofa. Bigla tuloy akong nahiya.
Kanina pagkahatid ni Kaizer sa akin dito sa Death Race ay nakita kami ni Mclaren sa labas. Nag usap sila. Nagtaka ako bakit parang matagal na silang makilala sila. Kwento ni Mclaren na two weeks ago ay nagpakilala si Kaizer sa kanila na nanliligaw daw sa akin.
Panis. Lakas makababae.
Kinilala niya pa talaga halos lahat ng kasamahan ko sa Expedallion Crusader. Kabilang na si Ford.
Pati nga si Boss Cosimo ay kinausap niya. Palibhasa, VIP members ang pamilya niya dito. Buti nalang talaga, wala namang problema kay Boss kung ano man ang sexual orientation ng mga empleyado niya. Ewan ko nalang kapag kumalat sa mga customers namin ang tungkol dito.
"Sana all may boyfriend na tulad ni Kaizer Griffin." Komento ni Mclaren.
Nakita kong napasimangot si Mazda.
"Mas gwapo pa ako dun."
Naningkit ang mga mata ni Mclaren.
"Saan banda? Sa paa?" Pangangasar niya kay Mazda.
Natawa ako dahil dun. Halata mong hindi masaya si Mazda.
"Nagseselos ka ba, Mazda? Akala ko ba wala kayong relasyon?" Nang aasar kong tanong.
Hindi ko alam kung anong status ng dalawang ito. Last week lang ay sweet sila. This week naman parang back to zero sila ulit. Na tipong parang aso't pusa kung mag away.
"Bakit ako magseselos? Gold ba 'to?" Sagot ni Mazda at itinuro pa si Mclaren.
Natatawang siniko naman siya nito. Napailing ako at napatitig sa TV monitor na nasa malapit. Kasalukuyang nagaganap ang laban ni Lamborghini. Siya ang sumunod sa akin. Katatapos ko lang kaya naisipan kong tumambay muna dito sa waiting room. Swerte namang naabutan ko dito, itong mag jowa etse fuck buddy daw.
"Pero seryosong usapan, Bugatti. Mag ingat ka dun kay Kaizer." Rinig kong sabi ni Mclaren kaya bumaling ulit ako ng tingin sa kanya.
Heto na naman siya sa babala niya.
"Mayaman ang pamilya nun. Nabalitaan kong medyo masama ugali ng Nanay niya. Concern lang ako para sayo." Dagdag pa niya.
Nakangising umiling si Mazda bago inakbayan si Mclaren.
"Malaki na yang si Bugatti. Alam niya na kung anong gagawin dyan." Sabi nito.
Tipid akong ngumiti.
"Thank you sa concern." Sabi ko lang kay Mclaren.
Napabuga siya ng hangin bago tumango.
Ilang minuto pa ang lumipas ay dumating si Lamborghini na halatang bad trip dahil natalo siya. Habang nag da-daldal siya ay naisipan ko ng umalis. Nagsasawa na akong marinig ang mga reklamo niya sa buhay. Kaya naglakad na ako palabas ng silid.
Balak kong matulog na kaya umuwi na ako sa HQ. Ilang minutong paglalakad at pagsakay ng elevator ay sa wakas nakarating na ako sa kwarto ko. Mabilis akong naligo at nagpalit ng damit.
Nang humiga na ako sa kama ko ay saktong nagchat si Kaizer. Ganito routine namin sa gabi. Hindi pwedeng walang late night talk sa chat o text. Gusto pa nga niya video call pero ayoko. Tinatamad ako. Minsan nga nakakatulungan ko na siya.
BINABASA MO ANG
Expedallion Crusader : BUGATTI (Completed)
Teen Fiction"Low class member." Iyan ang bansag kay Bugatti dahil sa madalas niyang poor performance sa pangangarera sa Death Race. Bukod dun, kilala din siya dahil sa average niyang itsura at sa pagiging tahimik dahilan para bumaba ng husto ang self confidence...