CHAPTER 16

581 19 7
                                    

Pasado alas-dyis na ako nakabalik sa Death Race matapos naming kumain ng hapunan ni Kaizer. Dinala ako ng demuho sa isang mamahaling restaurant. Dahil libre ay hindi na ako nahiya pa. Wala na nga akong pakialam kahit pa panay ang sulyap niya sa akin. Hindi ko nalang siya pinansin dahil mas lalo lang akong maiilang.

Hindi pa nga sana ako ihahatid nito kung hindi lang nag text sa akin si Lotus na umuwi na daw ako dahil may magaganap na meeting ang lahat ng miyembro mamaya daw saktong alas-onse ng gabi.

Bago pa nga ako lumabas sa kotse ni Kaizer ay muli nitong pinaalala na hindi daw siya papayag na matapos ang koneksyon naming dalawa. Lalapitan niya pa din daw ako, sa ayaw at sa gusto ko. Huwag ko daw siyang utusan dahil hindi daw siya susunod.

Oh, diba? Ang galing. Ngayon ay tuluyan na akong naguguluhan sa kinikilos niya.

Ayoko sanang bigyan ng kahulugan ang mga sinasabi niya pati yung mga kusang padikit ng balat niya sa balat ko. Kaya nga iiwas na sana ako habang maaga pa. Pero siya yung lapit nang lapit.

Parang tanga lang.

Aminado akong attracted na ako sa kaniya.  Kaya nga ayoko ng lumala pa yun lalo at nakukutuban kong straight naman ang demuho na yun. Paano kung wala lang pala sa kaniya yung mga bait-baitan niya sa akin. Pati yung mga ngiti niya kapag magkasama kami. Saka yung mga mabulak-lak na salita na lumalabas sa bibig niya

Paano kung lahat ng yun ay walang kahulugan. Sadyang mabait lang siya sa akin? Anong mangyayari sa akin?

Uuwi ako nitong luhaan.

Napatitig ako sa cellphone kong hawak dahil may bagong text na naman ang demuho. Sabi ko ng tamad ako magreply pero sige pa din siya. Kahit nga sa facebook ay hindi ko siya nire-replayan.

- Goodnight.

Napabuga ako ng hangin habang nakatitig sa text niyang yon. Goodnight daw. Ano ba dapat kong ireply?

Saglit akong napaisip bago ibinulsa nalang ang cellphone ko. Pagod na isinandal ko ang likuran sa swivel chair na kinauupuan ko.

Nahuhulaan kong hindi na naman ako makakatulog nito dahil sa pag iisip. Kailangan ko pa namang matulog dahil may event sa school bukas.

"Wahhhhh!"

Muntikan na akong mahulog sa kinauupuan ko dahil sa sigaw na yun ni Lotus. Magkasalubong ang kilay na binalingan ko siya ng tingin. Nakaupo ito malapit sa kinauupuan ko. Bale isang upuan lang ang layo namin sa isat isa.

"Lotus, bakit ka ba sumisigaw?"

Napahawak pa ako sa kanang dibdib ko dahil ramdam ko ang mabilis na pagkabog ng puso ko.

"Sorry na. Nakita ko kasing ng update si Julie ng bagong profile." Sagot niya bago hinarap sa akin ang cellphone na hawak.

Naningkit ang mga mata ko nang makita ang picture ng isang babae na nakasuot ng seksing damit.

"Bagong crush mo?"

Ilang araw na din ang lumipas nang malaman ko ang tungkol sa kaniya na nireject siya ng babaeng nagugustuhan niya.

"Oo. Ganda, 'no?" Sagot niya na tila nagyabang pa.

Nakanguso akong umiling.

"Mas maganda ka pa dyan."

Napahalakhak siya sa narinig tapos ay nag kunwaring nasusuka.

"Bugatti, hindi tayo talo. Babae ang type ko. Hindi lalaki."

Nakangiwi akong tumango bilang pag intindi.

As if naman na type din kita.

"Reto ko nalang si Ford sayo. Kaso, mukhang babae din ang type niya."

Expedallion Crusader : BUGATTI (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon