CHAPTER 44

1.2K 43 2
                                    


Halos nagtagal pa ako ng fifteen minutes sa comfort room dahil saglit ko pang pinanuod ang live na ginawa ni Allistair. Mukhang maagang sisimulan ang party niya. Nabwisit nga lang ako nang mahagip ng camera si Lorie na kaharap si Kaizer at ang pamilya nito.

Gayunpaman, pansin kong bumagay kay Kaizer ang suot nitong suit na itim. Lakas maka-mafia boss. Kitang kita ang kagwapuhan niya. Sayang lang at hindi ko siya mapi-picturan gamit ang sarili kong cellphone dahil mukhang hindi na yata ako makakapunta doon.

Sad.

Nang marinig ko ang boses ni Mcqueen sa labas ay dali-dali na akong lumabas. Naabutan ko siyang tuwid na nakatayo habang nakakunot noo.

"Ang tagal mo naman dyan sa CR?"

Napangiwi ako sa tanong niya.

"Tayo na ba ang susunod?"

Umiling siya.

"Sila Lambo at Cyber pa din. Pero intense ang laban dahil dikitan." Sagot niya.

Sabay na kaming naglakad pabalik sa waiting room para manuod ng laban. Habang nanunuod ay hindi ako makapag-concentrate dahil ang isip ko ay na kay Kaizer.

Busy ito ngayon kaya hindi niya napapansin na tumatawag at nagchachat ako.

Malalim akong napabuntong hininga. Naramdaman ko ang pagtapik ni Mcqueen sa kanang balikat ko kaya napatingin ako sa kanya.

"Kinakabahan ka na?"

Tipid akong ngumiti.

"Oo."

"Ayos lang yan. Magtiwala ka lang. Mananalo tayo."

Napangiti ako bilang pagsang ayon.

Sabay kaming napalingon kay Mazda nang bigla itong mapamura ng malakas. Nakita namin na seryoso silang nakatitig sa Tv monitor na nasa malapit.

"Anong nangyari?" Tanong ko.

"Nawalan yata ng balanse si Lambo. Nawala siya sa monitor." Sagot ni Mazda na nakatayo na ngayon habang yung iba ay nanatiling kalmado.

"Relax, lamang pa din sila dahil nangunguna si Cyber." Si Mclaren nanatili ng tingin sa Tv.

Napangiwi ako nang makitang halos gitgitin si Cyber ng dalawang kalaban niya.

"Pero nasaan si Lambo?" Tanong ni Lotus na mukhang nag a-alala.

"Nandyan lang yan. May nagkalat na staff sa bawat Laps ng race track. Kaya if ever man na may nangyari sa kanya. Agad na nila yung makikita." Paliwanag ni Ford.

Tahimik naman ang ibang members ng Bastard Devils. Seryosong nakatutok ang mga mata nila kay Cyber. Habang kaming mga taga-Expedallion ay nag a-alala kay Lambo.

Nakatuon ang atensyon ko sa panunuod nang maramdaman kong nag vibrate ang cellphone ko. Agad ko itong dinukot sa jagger pants ko. Napangiti ako nang makitang may text si Kaizer sa akin. Dali-dali ko itong binasa.

- Baby. Pwede tumawag?

Nagtipa ako ng replay sa kanya.

- Hindi pwede.

Mabilis din siyang naka-reply.

- Anong oras ka na makakarating?

Napabuga ako ng hangin sa nabasa. Kahit ako, hindi ko alam kung makakapunta pa ba ako sa party niya o hindi na.

Kung hindi man ako makapunta. Hindi pwedeng, hindi ko maibigay ang regalo ko.

- Hindi ako sure. Pero susubukan kong humabol.

Expedallion Crusader : BUGATTI (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon