CHAPTER 28

1.3K 52 4
                                    


"Huh? Kayo na?" Gulat na reaksyon ni Gioffer nang malamang boyfriend na ni Maxine si Ollie.

Nakangiting tumango si Maxine bago pinagsaklop ang mga kamay. Malapad ang ngiti nito habang namumula ang magkabilang pisngi.

"Kunwari nagulat kami." Biro ko kaya natawa si Hercules.

"Wala kang nakukwento na nanliligaw yun." Komento naman ni Allistair.

Lunch time na at nandito kami sa Cafeteria. Hindi namin kasama sila Kaizer ngayon. Nag text siya sa akin na may nangyari daw kay Zeno kaya hindi muna sila makakasabay sa amin.

"Sorry naman. Gusto ko kasi ikwento si Ollie sa inyo kapag kami na talaga." Paliwanag ni Maxine. 

Narinig ako ang pagbuntong hininga ni Billie sa tabi ko. Katabi ko sila ni Maxine ngayon. Napapagitnaan nila akong dalawa. As usual, yung tatlo naman ay nasa tapat namin.

Parang naninibago nga ako dahil anim lang kami. Wala sila Kaizer.

"Kung ganun, Congrats nalang." Sabi Gioffer sabay sulyap kay Billie.

"Thank you, Guys." Pasasalamat ni Maxine.

Simula nang makausap namin siya sa Hospital ng gabing yon ay tila walang nangyaring sagutan sa aming dalawa. Bumalik kami sa dati. Kaya lang may times na nayayamot ako ulit sa kaniya.

"Mag ingat ka lang sana sa kaniya, Maxine." Si Allistair na kanina pa seryoso ang itsura.

Napawi naman ang ngiti ni Maxine.

"Bakit naman?"

Napasulyap muna si Allistair kay Hercules at Gioffer bago muling ibinalik ang tingin kay Maxine.

"Marami nagsasabi na cheater yang si Ollie. Mahilig yang mangolekta ng mga babae. Huwag ka lang sana masama sa koleksyon niya."

Agad na natawa si Maxine sa narinig. Tapos ay maarteng hinawi ang mahaba niyang buhok.

"Rumors lang yon. Hindi yun totoo. Loyal si Ollie. Saka yang mga nagpakakalat nyan. Naiingit lang sila sa boyfriend ko."

Napasipol si Allistair sa pahayag ni Maxine. Natahimik naman si Gioffer. Habang si Hercules ay ngumiti lang na halata mong pilit.

Si Billie ay nakayuko at busy sa pananghalian niya. Ako na poker face lang. Dahil wala akong pakialam. Kung mahal niya talaga yon. Support nalang pero hindi ko yon gusto para sa kaniya.

"Sige na. Magkita nalang tayo mamaya. Hinihintay na ako ni Ollie." Paalam ni Maxine sabay dampot ng shoulder bag niya sa upuan. Tapos ay naglakad palabas nitong Cafeteria. Naiwan kaming lima na nakatitig sa isat isa.

"Kawawa 'to si Maxine kapag nagkataon." Panimula ni Gioffer sabay iling.

"Malabo na siyang mapigilan. Inlab na inlab." Sabi naman ni Hercules.

Napabuga ng hangin si Allistair sabay sandal sa kinauupuan.

"Hindi ako magtataka kung mabuntis din ni Ollie yan."

Namilog ang mga mata ni Hercules sa komento ni Allistair. Nakasimangot niyang tinapik ang bibig nito gamit ang isang kamay.

"Aray ko." Reklamo ni Allistair at hinigit ang kamay na yon ni Hercules. Napabahing ako nang makitang kinagat ni Allistair yun. Natatawang hinampas ni Hercules ang braso naman nito.

Anong ginagawa ng dalawang 'to?

Napansin kong parang mas naging close yata sila ngayon.

"Suportahan nalang natin siya sa gusto niya." Biglang sabi ni Billie kaya nabaling sa kaniya ang atensyon naming apat.

Expedallion Crusader : BUGATTI (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon