CHAPTER 32

1.3K 45 2
                                    

Kapag talaga nakagawa tayo ng isang bagay na hindi natin pinag iisipang mabuti. Ang magiging kinahihinatnan nito ay magsisisi tayo sa huli.

Kaya nga sabi nila, huwag maging padalos dalos. Kaso, hindi yun sinunod ni Maxine.

Sa tulong ni Kaizer ay nagawa naming iharap si Ollie sa magulang ni Maxine. Nagalit pa nga kay Maxine ang Mommy niya na halos sampal sampalin siya. Kasabay nito ay ipinatawag nila ang magulang ni Ollie. Nang gabing iyon ay nag usap ng masinsinan ang dalawang partido. Kami ng mga kaibigan ko ay tahimik lang sa gilid at saksi sa nagaganap.

Napagkasunduan ng magulang ni Ollie na mag su-sustento sila sa magiging anak ni Maxine once na mailabas niya na ito. Bukod dun, sila ang gagastos sa pagpapa-aral nito sa future. At syempre, ipapa-apelyido sa kanila ang bata dahil karapatan daw ni Ollie yun bilang Tatay. Pareho yung sinang ayunan ng mga magulang ni Maxine.

Gayunpaman, hindi sila pumayag na ikasal ang anak nila kay Ollie. Dahil bukod sa pareho pa silang bata. Ayaw ng Mommy ni Maxine na mag asawa siya agad. Marami pa daw siya pangarap sa anak niya. Hindi naman na nagreklamo pa si Maxine doon. Dahil kahit siya ay ayaw maikasal kay Ollie. Mukhang natauhan siya sa mga sinabi ni Billie kaya yan, nag isip-isip.

Nang matapos ang pag uusap na yon ay nakahinga na kami ng maayos. Nakangiti kaming pinasalamatan ni Maxine. Ipinakilala niya pa nga kami sa Mommy niya na medyo masungit.

Bago kami umalis sa mansyon nila Maxine ay kinausap niya ako. Sinabi niyang kahit kinakabahan siya sa pagiging batang Ina ay sisikapin niyang magampanan ng mabuti ang panibago niyang responsibilidad. Dahil dun ay masaya para sa kaniya.

Ngayon ay panibagong araw ko na naman dito sa Castelli at absent ngayon si Maxine. Magpapahinga daw muna siya ng ilang araw. Kaya ngayon ay kami lang ni Billie. Wala pa yung Teacher namin kaya malaya niyang nagagamit ang Laptop niya. Tahimik siyang nagbabasa ng ibat ibang post sa school page ng Castelli.

"Cyber bullying?" Nakataas ang isang kilay na tanong ko.

Tumango siya habang nanatili ang tingin sa kanyang laptop.

"Sa pagkaka-alam ko may batas na para doon. Gusto kong ireklamo ang mga bwakanang shit na 'to."

Ang tinutukoy ni Billie ay yung mga post sa facebook na patungkol kay Maxine. Na kesyo maaga daw na buntis kasi malandi. Tinakbuhan ng nakabuntis, at kung ano-ano pang masakit na salita. Lahat yun ay masusi niyang binabasa.

Kaya lang, habang nagbabasa ay hindi niya mapigilang mapamura dahil sa inis. Irereklamo niya daw ng Cyber Bullying yung mga nagpopost ng masama laban kay Maxine.

"Ganito sila noong pumutok ang issue kay Hercules. Tapos sumunod sa akin. Ngayon si Maxine na ang target nila." Dagdag niya pa.

Napabuga ako ng hangin bago ibinaling ang tingin sa kamay kong may benda.

"Hayaan mo na ang mga yan. Magsasawa din yan. Kinausap na naman ng magulang ni Maxine ang Principal kaya walang problema kung papasok pa din sya."

Kanina lang ay galing dito sa Castelli ang parents ni Maxine. Wala kaming ideya ni Billie kung anong pinag usapan nila. Pero obvious namang ito ay tungkol sa kalagayan ngayon ni Maxine.

"Nakakainis lang kasi. Ang hilig nilang mamahiya sa social media. Kapag naman harapan mga takot." Komento niya.

Nakangisi ko siyang tinignan.

"Kaya nga sa social media sila nambu-bully dahil takot ang mga yan sa personal. Kita mong puro Dummy ang ginagamit na account."

Ganyan ang gawain ng mga bully sa social media. Gagawa ng dummy account tapos doon sila manglalait ng kung sino kahit wala namang ginagawang masama sa kanila. Ang worst pa dyan, minsan nagpapakalat sila ng maling inpormasyon tungkol sa taong walang kamalay-malay.

Expedallion Crusader : BUGATTI (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon