CHAPTER 3

1.9K 63 41
                                    

Tagaktak ang pawis ko dahil sa sikat ng araw habang nakatayo sa malawak na football field dito sa Castelli Academy. Pakiramdam ko nanunuyot na ang lalamunan ko sa tindi ng init na nadadama. Kaasar kasi itong Teacher namin sa PE.

Pinalabas kami dito sa field para mag exercise. Nakadagdag init pa dyan ang suot naming uniform sa PE na white T-shirt at black jogging pants.

Ang init talaga.

Nakapila kami habang nasa unahan si Mr. Alicaya na teacher namin sa subject na ito. Kanina pa siya daldal nang dalda na hindi ko naman ini-intindi dahil nga naiinitan ako.

Nakabusangot akong napatingin sa mga kaklase ko. Panay ang tsismisan ng mga ito na tila wala kaming klase ngayon.

Magkahiwalay sa pila ang babae at lalaki. Bale may dalawang hanay ng pila. Nakabase ang pila sa height. Dahil sakto lang ang tangkad ko ay nasa gitna ako naka-pwesto.

"Sa pagkakatanda ko, malapit na tayo grumaduate ng highschool. Pero bakit ganito ang PE natin? Pang elementary." Rinig kong reklamo ni Maxine nasa tapat ko.

Natawa si Billie na nasa unahan naman niya.

"Sayang make up ko. Lusaw na." Patuloy ni Maxine tapos ay sumulyap sa akin habang natatawa.

Kung si Maxine ay reklamo nang reklamo. Ang karamihan naman sa mga kaklase namin ay nag e-enjoy. Lalo na ang mga babae dahilan para magtaka ako.

Kailangan pa naging enjoy ang PE subject?

Nang madako naman ang tingin ko sa mga lalaki kong kaklase. Kita ko ang kaseryosohan nila habang sinusunod ang exercise routine na pinagagawa ni Sir Alicaya.

Maliban sa isa.

"Anak ng tokwa, Sir. Ang init!" Reklamo ni Darius Santos na nasa unahan. Tulad ni Maxine ay dakilang reklamador din yan.

Napangiwi nalang ako habang nakatitig dito.

"Nagrereklamo ka ba, Santos?" Tanong ni Sir Alicaya kay Darius.

Napakamot sa tuktok ng kanyang ulo si Darius kaya nagtawanan ang lahat.

"Okay, ngayon naman subukan natin mag jogging." Sabi ni Sir Alicaya kaya napangiwi ako. Marahan kong pinaypayan ang sarili ko gamit ang mga kamay ko.

Mabilis naming sinunod ang utos ni Sir Alicaya. Nagsimula kaming mag jogging nang shindi umaalis sa pila. Nakasunod naman ito sa amin. Mas lalo yata akong mayayamot dahil nahuhulaan kong plano yata ni Sir Alicaya na magpaikot ikot kami dito sa football field.

Napailing ako nang magsimulang kumanta si Walter na tipong akala mo nasa military kami. Isa siya sa mga kaklase ko na numero unong promotor sa kalokohan.

"Tayo na at tumakbo!" Panimula niya.
(Tayo na at tumakbo!)

Inuulit naman ng iba ko pang kaklase ang bawat sasabihin niya habang natatawa.

"Igalaw ang katawan!"
(Igalaw ang katawan!)

Sa ginagawa nila ay nakatawag pansin na kami sa iba pang estudyanteng narito din sa field.

"Ang pangit ni Santos!"
(Ang pangit ni Santos!)

"Hoy, tangina nyo ah!" Sigaw ni Darius nang mabanggit ng mga ito ang apelyido niya.

Muling nagtawanan ang ilan sa mga kaklase ko. Tumagal pa ng ilang minuto ang exercise namin. Kaya mas lalo kong nadama ang init. Buti nalang maagang tinapos ni Sir Alicaya ang time niya kaya nakapagpahinga kami.

Expedallion Crusader : BUGATTI (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon