Sanay naman na ako sa pagiging tahimik ni Kaizer kapag magkasama kami. Pero ngayon iba yung katahimikan niya. Halata mong galit. Hindi nga ako masyadong pinapansin. Kahit kanina habang nasa restaurant kami kumakain ay panay ang daldal ko, siya puro tango lang ang isinasagot.
Alam kong galit siya dahil na abutan niya kong kausap ang ungas na si Cedrick. Obvious na nagseselos siya.
Napailing ako nang mapadungaw sa bukas na bintana nitong kotse niya. Nakita kong nasa Death Race na kami. Pasado alas dyes na ng gabi pero napakarami pa ding tao sa labas pasok dito. Sabagay, alam nilang alas dose kami nagsasara.
Nang maihinto ni Kaizer ang kotse niya sa mismong tapat ng Death Race ay kinalas ko na ang seatbelt sa katawan ko.
"Galit ka pa rin ba?"
Hindi siya umimik. Seryoso siyang nakatitig sa kawalan.
"Fine. Alis na ako." Sabi ko pa at akmang lalabas ng kotse niya nang bigla niyang hablutin ang kaliwang kamay ko dahilan para matigilan ako.
Nakanguso ko siyang tinignan.
"Hindi ako galit." Sabi nito.
"Eh, ano?"
Nakasimangot na ipinagsaklop niya ang mga kamay namin.
"Naiinis."
Napabuga ako ng hangin.
"Sinabi ko na sayo kanina diba? Nakalaban ko sa Death Race ang ungas na yon. Sakto namang nasa iisang school kami at nakilala niya ako."
Hindi siya umimik. Tumango lang siya na ikinangiti ko ng tipid.
"Ang seloso mo." Komento ko.
Hindi ko alam kung matutuwa ako o maiinis sa simpleng dahilan ng pagseselos niya. Gayunpaman, kailangan ko siyang intindihin. Ang pangit naman kung maiinis din ako na hindi man lang ipinaliliwanag sa kanya ang side ko.
"Ako nga dapat magselos. Ang dami kayang babae nakapaligid sayo." Dagdag ko pa.
Agad sumimangot ang mukha niya. Binitiwan niya ang kamay ko bago hinawakan ang baba ko. Bahagya kong itiningala ang mukha ko. Nagulat nalang ako nang bigla niya akong halikan na sinagot ko naman. Ramdam ko agad ang kakaibang pagkabog ng puso ko. Pati ang sikmura kong para na namang may paro-parong lumilipad sa loob.
Maya-maya pa ay pareho kaming hinihingal na kumalas sa isat isa. Napasimangot ako habang siya naman ay ngumiti.
"Wala akong babae, Gabriell. At mas lalong wala akong ibang lalaki. Hindi mo kailangang magselos dahil dun."
Hindi ako nakaimik. Nakatingin lang ako sa kanya hanggang sa hawakan niya ako sa magkabilang pisngi. Kinurot kurot niya ako doon.
Heto na naman siya.
"Sorry, kung nagselos ako kanina." Pag amin niya.
"Wala ka namang dapat ikaselos sa ungas na si Cedrick. Mas pogi ka kaya dun." Sabi ko.
Mas pogi talaga siya dun.
"I know." Nakangisi niyang pagsang ayon.
Tumango ako.
"Sige na. Aalis na ako. Gabi na. Kailangan mo ng umuwi."
Nakita kong mabilis na lumungkot ang mukha niya.
"Kailangan kaya kita pwedeng makasama ng matagal?"
Bahagya akong natawa sa narinig.
"Nagkikita naman tayo sa school, 'ah? Tapos pinupuntahan mo ko dito."
BINABASA MO ANG
Expedallion Crusader : BUGATTI (Completed)
Teen Fiction"Low class member." Iyan ang bansag kay Bugatti dahil sa madalas niyang poor performance sa pangangarera sa Death Race. Bukod dun, kilala din siya dahil sa average niyang itsura at sa pagiging tahimik dahilan para bumaba ng husto ang self confidence...