Ang boring ng buhay ko. Hindi ko alam pero tinatamad na akong maging miyembro ng Milfiore Gang. Madalas nga sa mga meeting namin ay absent ako o sadyang hindi talaga ako pupunta dahil makikita ko lang ang pagmumukha ni Kingston Raven dun.Ayoko pa naman sa isang 'yon.
Kaya nang mag aya ng karera si Simon ay pinatos ko na. Para naman malibang ako kahit saglit.
"Gabriell, ito si 5506. Ang makakalaban mo." Pakilala ni Simon sa akin dito sa maliit na lalaking nasa tapat ko.
Gabriell? Pang mabait na pangalan.
"Nice to meet you." Sabi nito at inilahad ang isang kamay sa akin.
Hindi ako umimik. Tinanggap ko lang ang pakikipagkamay nito.
Hindi naman nagtagal ay nagsimula ang laban namin. Dahil napilitan lang akong sumali sa karera ngayon ay itong Tesla ang gamit ko.
Nabobored kasi ako kaya inaya ako ng isa sa mga kasamahan ko sa Milfiore Gang na makipagkarera. Dahil hilig ko din naman ito ay agad akong pumayag. Heto nga at ilalaban nila ako sa isang Ford GT.
Sa kasagsagan nga laban namin nito ay napansin ko agad ang angking galing niya dahil nasasabayan niya ang bilis ko.
In fairness. Hindi na masama.
Akala ko ng mga oras na yun ay matatalo ko siya. Nagkamali ako. Nawala ako sa kosentrasyon kaya hindi ko namalayang bumangga sa kung saan ang kotse ko. Akala ko katapusan ko na pero may taong nagligtas sa akin mula sa kotse kong umuusok na.
"Mister! Hoy, Mister! Gising!" Sigaw nito habang tinapik-tapik ang magkabilang pisngi ko.
Wala ako sa ulirat pero na aaninag ko ang mukha niya. Hindi nga lang maliwanag. Hanggang sa nawalan na ako ng malay.
Nang magising ay nasa hospital na ako. Buti nalang hindi matindi ang tama 'ko. Agad na sinabi sa akin ng mga kasama ko na yung nakalaban kong driver ng Ford GT ang nagligtas sa akin at regular racer daw ito sa Death Race. Na sikat na underground racing sa buong Magnium Guild.
Dahil sa gusto kong makita ulit ang driver ng Ford GT ay naisipan ko itong hanapin. Sa kasamaang palad ay nahirapan ako lalo na at confidential daw sa kung sino ang identity ng mga racers nila.
Buti nalang ay nagawan ko ng paraan.
Dahil mayaman ako ay ngawa kong makapasok sa Death Race. Doon ay nakilala ko ng personal ang Owner nito na si Cosimo Bonfiglio.
"Driver ng Ford Gt?" Takang tanong ni Cosimo.
Nakangiti akong tumango.
"Hindi ba, Gabriell ang pangalan niya? Pwede ko ba syang makita?"
Nagtaka ako nang makitang natawa ang babae sa tanong ko.
"Hindi Gabriell ang pangalan niya. At hindi Ford GT ang kotse niya."
Kumunot ang noo ko.
"What do you mean?"
Ngumiwi si Cosimo bago pinag ekis ang mahahaba niyang hita.
"Si Gabriell Huazon ang race driver ng Bugatti Chiron. Habang si Akira Yamaguchi ang driver naman ng Ford GT. Magkaiba sila. Gets mo?"
Sa nalaman ay nagkaroon ako ng pag asa na makitang muli si Gabriell.
"Dito sa Castelli?" Gulat kong tanong kay Zeno.
Tumango siya habang nginiguya ang
pagkain sa bibig."Nalaman kong estudyante din siya dito."
Napatayo ako sa aking kinauupuan.
"Bakit ngayon mo lang sinabi?" Asar kong reaksyon.
BINABASA MO ANG
Expedallion Crusader : BUGATTI (Completed)
Teen Fiction"Low class member." Iyan ang bansag kay Bugatti dahil sa madalas niyang poor performance sa pangangarera sa Death Race. Bukod dun, kilala din siya dahil sa average niyang itsura at sa pagiging tahimik dahilan para bumaba ng husto ang self confidence...