CHAPTER 12

1.7K 65 16
                                    

Ilang araw lang ang lumipas nang ma-suspended si Jaguar ay sinundan naman ito ni Chevrolet. Ayon kay Lamborghini ay halos three months daw muna mawawala ang pinsan niya dahil may mahalaga daw na inutos si Boss Cosimo dito. Nang tanungin namin si Miss Karin about dun ay confidential daw. Bawal daw sabihin at wala kaming karapatan na alamin pa yun. Basta tuloy daw ang lahat ng karera sa Death Race kahit pa pito nalang kami ngayong lalaban.

Kahit curious ako sa nangyayari sa team namin ay nanatili akong walang imik at tahimik lang na nagmamasid. Hula ko malapit na yung malaking pagbabago na magaganap dito sa Death Race lalo na at tipikal na naming nakikita ang mga ir-regular racers na palakad-lakad sa buong building.

Tulad nalang ngayon.

Kauuwi ko palang galing ng school. Mabilis akong nagpalit ng damit sa HQ tapos ay dumiretso na ako dito sa Death Race Building dahil habang tahimik akong naglalakad sa mahabang hallway ay literal na natigilan ako nang makasalubong si Zodiac.

Malayo palang ay alam kong siya ito dahil sa tindig ng pangangatawan at sa face mask na suot sa bibig.

Dahil hindi naman kami close ay wala akong planong batiin siya. Pero ang gago ng isang 'to. Umiiwas na nga ako humarang pa siya sa daraanan ko kaya natigilan ako.

"May kailangan ka?" Bungad kong tanong.

Hindi ko mapigilang mapangiwi nang mapatitig sa mga mata niyang akala mo ina-antok.

"Friend mo si Zeke, right?"

Agad na kumunot ang noo ko.

"Zeke?"

Narinig ko ang pagbuntong hininga niya bago hinimas ang batok.

"I mean, si Maserati."

Bahagyang namilog ang mga mata ko doon.

"Oh, si Maserati pala. Medyo." Sagot ko.

Lihim akong nainis sa sarili dahil nawala sa isip ko na Zeke pala ang totoong name ni Maserati. Kaya nang banggitin ito ni Zodiac ay para akong lutang na napaisip.

"Bakit mo na itanong? Hinahanap mo ba siya?"

Hindi siya sumagot. May kung ano siyang dinukot sa bulsa ng maong pants niya bago inilahad sa akin.

"Pakibigay."

Napatitig ako sa keychain na hawak niya. Walang imik na tinanggap ko ito.

Ang cute.

Keychain ito na ng isang anime character. Kung susuriing mabuti ay parang may pagkakahawig ito kay Zodiac.

"Thank you." Rinig kong sabi nito.

Bago ko pa maibalik ang tingin ko sa kanya ay nilagpasan niya na ako. Tahimik siyang maglakad palayo.

Medyo weird itong si Zodiac pero mukha naman siyang mabait. Nakakapagtaka lang na magkakilala si Maserati. Curious tuloy ko kung close ba sila.

Dahil ikatlo ako sa lalaban ngayong gabi ay doon muna ako mag focus. Nagpatuloy na ako sa paglakad para makarating sa underground garage.

Nang marinig kong tumunog na ang buzzer na senyales ng pag uumpisa ng match ay mabilis ko ng pinaharurot ang kotse ko. Sa hindi inaasahan ay nakita ko sa rear view mirror ko na nakasunod agad sa akin ang kalaban ko.

Upang masiguro agad ang panalo ko ay kailangan kong makalamang ng maaga kaya sa tuwing didikitan ng Tesla niya ang Bugatti ko, 'eh talagang binabangga ko siya. Ganun din naman siya sa akin. Pero hindi ako papatalo dahil mas malakas ang impact ng ginagawa kong pagbangga sa kaniya.

Nagpatuloy ang banggaan namin hanggang sa matapos ang match. Sa bandang huli ay ako ang nanalo. Muntikan pa nga akong maunahan dahil hindi ganun kalayo ang distansya namin nang makarating ako sa finish line. Sadyang na una lang talaga ako.

Expedallion Crusader : BUGATTI (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon