CHAPTER 7

1.7K 70 38
                                    

Noong bata pa ako ay sanay na akong gumising sa umaga ng mas maaga. Hindi ko alam pero kapag dumilat ang mga mata ko mula sa pagkakatulog ay tatayo na agad ako nyan sa higaan. Lalo na at alam kong marami akong gagawing trabaho.

Tulad nalang ngayon.

Araw ng linggo. Kapag ganitong mga araw ay pinapatignan ko sa staff ang Bugatti Chiron ko para makita kung may sira ba ang makina nito. Pagtapos ay pinalilinis ko na din ito. Sa ngayon kasi, hindi pa ako masyadong maalam pagdating sa mga makina ng sasakyan kaya pinauubaya ko na sa mga staff ng Death Race ang tungkol sa ganung bagay. Hindi tulad ni Jaguar, Maserati at Mazda na expert pagdating sa pag aayos ng kotse.

"Sir Bugatti?" Rinig kong tawag ng kung sino sa akin.

Paglingon ko ay tumambad sa akin ang isa sa staff namin dito sa Death Race.

"Ayos na yung kotse ninyo. Bagong ligo na yan." Sabi niya at inginuso ang kotseng nasa tapat lang namin.

Tumango ako bago ngumit ng tipid.

"Thank you."

Ngumiti din siya pabalik tapos ay tinalikuran na ako. Naglakad siya paalis habang bitbit ang isang notebook na madalas niyang hawak. Tahimik kong nilapitan ang kotse ko.

Napabuga ako ng hangin nang maalala ang bawat laban na pinagdaanan ko sa Death Race gamit ang Bugatti Chiron. Ito ang kauna-unahang kotse na pag aari ko. Sa tuwing maga-gasgasan nga ito o may bahagi nito na masisisira ay nasasaktan ako dahil para sa akin, pamilya ko na 'to. Kapatid, kaibigan o kahit pa karelasyon na sobrang halaga.

Kaya sana mas matagal pa kaming magsama.

"Kailangan manalo ulit tayo mamaya, 'ah." Sabi ko sa kotse na tila may buhay ito.

Baliw.

Natatawang napailing nalang ako dahil tumutulad na ako kay Lamborghini na kinakausap ang mga sasakyan niya.

Tumuwid ako ng tayo bago iginala ang tingin sa paligid. Nandito ako ngayon sa pribadong silid para sa aming mga taga-Expedallion Crusader. Dito namin dinadala ang mga kotse namin kapag may sira ito o kaya kailangan ng ipalinis. Para itong Auto Repair Shop with Car Wash Service. Kumbaga, two in one. Halos dalawangpu lang naman ang nakatoka dito para mag assist sa amin.

Bigla akong napatigil sa pagmumuni-muni nang makarinig ng ingay sa di kalayuan. Paglingon ko ay namataan ko si Lotus at Mazda na kausap si Mang Jerry. Ito ay isa pinaka-matandang mekaniko namin dito sa Death Race.

"Don't worry, Mam. Aayusin naman ito agad." Sabi ni Mang Jerry habang nakatingin kay Lotus.

Malalim na bumuntong hininga sa Lotus bago tumango lang sa matanda. Magalang naman itong yumukod bago naglakad na palayo sa dalawa.

"Ayusin mo kasi sarili mo. Mag focus ka sa trabaho." Sermon ni Mazda kay Lotus.

Napansin kong tila problemado si Lotus dahil hindi maipinta ang mukha nito kaya naisipan kong lumapit.

"Anong problema, Lotus?"

Napatingin silang dalawa sa akin. Huminto ako sa tapat nila.

"Nasira lang naman ang Emira niya." Si Mazda na itinuro ang kotseng nasa tabi lang nila.

Napangiwi ako nang makitang puro gas-gas at sira ang unahang bahagi ng kotseng pagmamay-ari ni Lotus.

"Kasalanan ni Zodiac 'to, e." Reklamo ni Lotus na ikinasimangot ni Mazda.

"Gaga ka. Alam nating lahat kung paano ang kalakaran ng karera sa Death Race. Sadyang mahina ka lang at magaling si Zodiac. Yan tuloy, laki ng damage sa kotse mo." Sermon nito sa kaniya.

Expedallion Crusader : BUGATTI (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon