Sa panahon ngayon, sobrang halaga ng pera kaya dapat maging matipid ka. Marami nga sa atin, nagmumukha ng pera. Sino ba naman kasing ayaw ng pera diba?
Sa pera, mabibili mo kahit anong gusto mo dahilan para maging masaya ka ngunit sabi nga nila.
Hundi lahat nabibili ng pera.
Hindi sa lahat ng pagkakataon, mas mahalaga ang pera. Iyon ang hindi nauunawaan ng Auntie at Uncle ko. Nakaka-lungkot lang na mas lumalala sila ngayon.
Nakakainis din dahil gagamitin pa yata nila si Kaizer para lang sa pansarili nila. Hindi ko tuloy alam ang gagawin ko.
Dapat ba magalit ako kay Kaizer dahil sa mga ibinigay niya kala Auntie? Masama pa ang loob ko dahil hindi man lang niya ito binanggit sa akin.
Ano bang dapat kong gawin?
"Hoy!"
Napapitlag ako sa gulat dahil sa narinig. Paglingon ko ay tumambad sa akin ang nakangising pagmumukha ni Ford.
"Nakatulala ka dyan? Dinamdam mo yung pagkatalo mo?"
Mabilis akong umiling bago muling bumalik sa pagkakasandal sa Bugatti ko. Tahimik kong ibinaling ang tingin sa dalawang kamay ko. Suot-suot ko pa din ang gloves ko. Hindi ko pa ito tinatanggal. Katatapos ko lang kasi makipagkarera at tulad ng sinabi ni Ford.
Natalo ako.
Masyado kasi akong distracted kanina pa kaya yan, hindi ko namalayan na bumagal pala ako. Ang ending, olats ko.
"May problema ka?" Panibagong tanong ni Ford na tumabi pa talaga sa akin.
Malalim akong napabuntong hininga.
"Break na kayo ng Boyfriend mo?" Dagdag pa niya dahilan para mapasimangot ako.
Napahalakhak siya bago pinag ekis ang mga braso.
"Share mo na kasi." Pangungulit niya.
"Hindi kami nag break. Naiinis lang ako sa kanya."
Kumunot ang noo niya.
"Bakit ka naman naiinis?"
Nakangiwi kong kinamot ang kanang kilay ko.
"Binigyan niya ba naman ng pera sila Auntie. Bukod dun, pinangakuan niyang ibibili ng bahay."
Napakurap kurap si Ford.
"Teka, diba mukhang pera yang Auntie mo?"
Alam ng mga kasamahan ko dito sa Expedallion ang problema ko sa Auntie ko. Na masyado itong mukhang pera dahil na kwento ko na sa kanila ito dati.
"Yun na nga, 'eh. Nalaman nilang mayaman si Kaizer kaya yan, kung ano-ano pinabibili nila dun sa isa."
Walang ideya si Kaizer sa ugali ng Auntie ko. Hindi niya alam na mahilig itong bumili ng mga gamit na hindi naman kailangan. Lalo na ang asawa nito na adik sa sugal. Malamang yung ibinigay ni Kaizer mapunta lang sa wala.
"Naku, delikado yan. Baka gawin nilang bangko yung boyfriend mo. Ano nalang sasabihin ng pamilya nun?"
Dahil sa narinig ay mas lalo akong nag alala. Yan ang iniisip ko kanina pa. Baka sabihin ng parents ni Kaizer ay mukha akong pera.
Ayoko nun.
"Kaya nga, 'eh. Hindi ko tuloy alam kong magalit ba ako sa kanya o kala Auntie."
Muling natawa si Ford.
"Eh, di parehas mo pagalitan. Pero mas magalit ka sa Auntie mo. Dahil yung boyfriend mo, wala siyang alam na may hidden agenda pala yang Auntie mo. Sadyang mabait siya at syempre kamag-anak mo ang mga yun. Natural na mag pa-impress o kung ano man ang tawag dun."
BINABASA MO ANG
Expedallion Crusader : BUGATTI (Completed)
Teen Fiction"Low class member." Iyan ang bansag kay Bugatti dahil sa madalas niyang poor performance sa pangangarera sa Death Race. Bukod dun, kilala din siya dahil sa average niyang itsura at sa pagiging tahimik dahilan para bumaba ng husto ang self confidence...