Sa pagkakatanda ko ang eksenang nag aagawan ang dalawang lalaki sa isang babae ay tipikal na makikita sa mga romance movie. Ganito ang madalas na tema na pinapanuod ni Lotus noon kaya alam ko.
Nakakapagtaka lang tila nangyayari sa akin ito ngayon.
Teka, hindi naman ako babae, ah? Isa pa, wala naman ako sa pelikula. Dahil nasa reyalidad ako.
So, bakit pinag aagawan ako ng dalawang 'to?
"Griffin, bitaw na. Sa akin na sasabay si Gabriell." Sabi ni Allistair.
Ngumisi naman si Kaizer.
"Ikaw ang bumitaw, Torralba. Nauna akong mag aya na isabay siya sa pag uwi. So, sino ka para umepal?" Maangas na sagot nito.
Nakita ko kung paano magsalubong na naman ang kilay ng impakto sabay hila sa kaliwang kamay ko na kanina niya pa hawak.
Ganun din naman ang ginawa ng demuhong si Kaizer. Hinila ako nito ang kanang kamay ko na kanina niya pa din hawak. Bale hawak nila ang tig-isang kamay ko.
Ang ending, para nila akong pinag a-agawan.
Nagpatuloy ang paghihilaan nila sa magkabila kong kamay dahilan para mairita ako. Feeling ko mababali ang mga buto ko. Ang laki ba naman ng mga kamay nila.
"Bitiwan ninyo nga ako pareho." Nakasimangot kong sabi na papalit-palit ang tingin sa kanila.
Imbes na sundin ako ng mga Ungas. Patuloy lang silang naghihilaan na tila isa akong bagay na pareho nilang gusto.
"Bitaw na, Griffin. Hindi ka na nakakatuwa." Si Allistair na halata sa mukha ang iritasyon.
"Sabing ikaw ang bumitaw, Torralba nang makaalis na kami." Pagmamatigas ni Kaizer sabay hila na naman sa akin palapit sa kaniya.
Sa ginagawa nila ay nakaramdaman ako ng hilo. Napansin ko ngang may ilang estudyanteng nakamasid sa amin sa di kalayuan. Naguguluhan siguro sila sa ginagawa nitong dalawa sa akin.
"Hoy, bitawan ninyo nga ako ngayon na!" Galit na sigaw ko habang wala silang kapaguran sa paghila sa mga kamay ko.
Medyo lumalakas na nga, 'eh.
Wala pang ilang segundo ay sabay nila akong binitawan dahilan para mapaupo ako sa sementadong sahig.
Tangina.
Nakasimangot na pinaningkitan ko sila ng mga mata.
"Bakit ninyo ko binitawan? Ang sakit, 'ah." Reklamo ko.
Hindi man lang nagbigay ng signal, 'eh.
"Sabi mo, bitaw." Sagot ni Allistair.
Nanatili ang simangot sa mukha ko nang makitang natatawa na ang Impakto habang ang Demuho naman ay naglakad palapit sa akin.
"Tara na nga." Sabi nito at walang pasabing hinawakan ang magkabilang baywang ko para itayo ako. Agad naman akong lumayo dito.
"Fine. Sa kaniya ka na sumabay." Rinig kong sabi ni Allistair.
Sabay kaming napatingin ni Kaizer dito.
"Ihatid mo na yan. Mag ingat kayo." Dagdag pa nito bago mabilis na tumalikod at naglakad palayo.
Napailing nalang ako habang sinusundan siya ng tingin. Nang marinig ko ang buntong hininga ni Kaizer ay bumaling ang tingin ko sa kaniya. Seryoso itong nakatitig sa akin.
"Bakit?" Tanong ko.
Umiling siya bago walang paalam na hinigit ang isang kamay ko. Hindi na ako nakapagreact nang maglakad siya paalis habang hila-hila ko.
BINABASA MO ANG
Expedallion Crusader : BUGATTI (Completed)
Teen Fiction"Low class member." Iyan ang bansag kay Bugatti dahil sa madalas niyang poor performance sa pangangarera sa Death Race. Bukod dun, kilala din siya dahil sa average niyang itsura at sa pagiging tahimik dahilan para bumaba ng husto ang self confidence...