CHAPTER 24

1.6K 52 7
                                    


Sa nakita ko kung paano tratuhin si Billie ng kapatid niya ay nakukutuban ko agad na may mali. Pati kung paano ito magsalita sa kaniya. Nakikita ko na ang mabaho nitong ugali.

Partida. Pulis pa yon.

Ngayon ay nag a-alala tuloy ako kay Billie. Pagkauwi ko palang kanina galing sa school ay tinext ko ito kung ayos lang ba siya. Pero hindi naman nag reply. Mukhang busy na yata.

"Bugatti." Rinig kong tawag ng kung sino.

Saktong pag angat ko ng tingin ay kauupo lang ni Lotus sa bakanteng upuang nasa tabi ko.

"Congrats." Sabi nito na nakatuon ang atensyon sa pagtitig sa mga pagkaing nasa lamesa.

Katatapos lang ng match ko. Dahil wala ako sa mood para tumambay sa waiting room ay dito ako sa dining room ng HQ dumiretso. Agad naman akong inasikaso ng mga staff.

Kakain sana kami ni Kaizer kanina bago umuwi kaso tumawag si Sky. Pinauuwi siya sa hideout nila kaya pagdating namin sa Death Race ay bumaba na siya agad sa motor ko.

Tinanong ko siya kung anong sasakyan niya patungo sa hideout nila. Sagot niya lang mag ta-taxi daw siya.

Oh diba parang tanga? Sa pagnanais niya na maihatid ako pauwi o sabay kaming uuwi. Iniwan niya ang kotse niya sa school.

Naawa naman ako kaya bukas ay balak kong mag commute nalang para maihatid niya na ako pauwi.

"Hindi ka ba kakain?" Tanong ni Lotus.

"Kakain." Sagot ko at dinampot na ang kutsara sa lamesa.

Nagsimula na akong kumain. Ganun din naman siya. As usual, masustansya at masarap ang nakahain sa lamesa. Magaling magluto ang mga kusinera namin dito sa HQ kaya mas lalo kaming ginaganahan.

Habang tahimik kaming kumakain ni Lotus ay may naisip akong itanong sa kanya.

"Lotus, alam ba ng parents mo na babae na ang trip mo at hindi lalaki?" Bigla kong tanong.

Bahagya siyang natigilan habang ngumuguya. Nang malunok ang pagkaing nasa bibig ay seryoso siyang tumitig sa akin.

"Alam na ng Mommy ko. Yung Daddy ko nalang ang hindi. Nasa ibang bansa pa kasi siya."

Sa pagkakaalam ko, anak mayaman din itong si Lotus tulad ni Jaguar, Lambo, Maserati at Mazda.

Ang mga magulang niya ay parehong may negosyo. Tapos may kapatid siya. Hindi lang ako sure kung babae ba o lalaki.

"Buti tanggap ng Mommy mo?"

Napangiwi siya.

"Noong una, hindi. Pero dahil nagbanta ako noon na pagkakamatay. Tinanggap niya na."

Naningkit ang mga mata ko. Natawa naman siya tapos ay sumandal sa kinauupuan.

"Oy, biro ko lang yon. Hindi ko naman ginawa. Muntikan lang."

Napailing iling ako.

"Kahit gaano pa kasakit ang pagdaan mo, Lotus. Huwag na huwag mong gagawin yan." Babala ko.

Alam kong dumaan siya sa problema sa pag ibig noong nakaraang mga linggo. Pero hindi naman yata tama na magpakamatay ka dahil dun.

Masarap mabuhay.

"Alam ko. Sadyang na depress lang ako ng time na yon. Pero ngayon ayos na ako."

Napatango ako bilang pag intindi.

"Kailan mo balak sabihin sa Daddy mo ang tungkol sayo?"

"Hindi ko alam. Hihintayin ko nalang siguro na siya ang makaalam."

Expedallion Crusader : BUGATTI (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon