CHAPTER 39

1.2K 38 7
                                    

Malalim akong napabuntong hininga bago tinanggal ang seat belt sa katawan ko. Sakto namang bumukas ang pinto ng kotse at agad kong nakita si Kaizer. Inilahad nito ang kanang kamay sa akin na agad ko namang tinanggap kaya nakalabas na ako sa kotse niya.

Nakaramdam ako ng kaba nang matanaw sa di kalayuan ang malaking mansyon nila Kaizer. Literal na napalunok ako sa kaba.

Tangina.

Hindi pa man din ako nakakapasok sa loob ay pinagpapawisan na ako.

"Baby." Rinig kong tawag ni Kaizer sa akin.

Nakangiwi ko siyang binalingan ng tingin.

"Ayos lang ba ang itsura ko?" Tanong ko na tinitigan pa ang sariling suot.

Naka-sweatshirt na pink ako. Tinernuhan ko ito ng khaki pants. Tapos ang sapin ko sa paa ay rubber shoes na white. Pagdating sa buhok ay naglagay ako ng wax kaya medyo nakataas ang bangs ko.

Habang si Kaizer ay bagsak ang buhok. No wax. Sa damit naman ay naka-over all black na naman siya. Ang angas lang ng dating.

"Ang cute mo kaya."

Nakangiti niyang ipinulupot ang isang braso sa baywang ko bago kinabig ako palapit sa kanya.

"Mahal kita." Dagdag pa niya bago bahagyang ibinaba ang mukha para mahalikan ako. Agad ko naman yung tinugunan. Pero nang maramdaman kong tila lumalalim ang halik niya ay ako na ang kumalas.

"Nasa bahay ninyo tayo. Umayos ka."

Nakanguso siyang tumango bago hinawakan ang kanang kamay ko.

"Sorry. Nadala lang." Dahilan niya sabay tawa.

Hindi naman na ako umimik pa.

"Tara na." Pag aya niya at lumakad na kami habang hawak niya ang kamay ko.

Habang palakad kami sa mansyon nila ay para akong maiihi na ewan. Halos ilang araw kong inisip ang araw na ito at heto na nga dumating na. Makikilala ko ang magulang ni Kaizer.

Bahala na kung anong maging reaksyon nila sa akin. Basta ipapakita ko lang kung sino ko. Hindi ko na kailangang magpanggap para lang magustuhan nila.

"Okay ka lang?" Tanong niya.

"Medyo." Tipid kong sagot.

Nang tuluyan kaming makapasok sa mansyon nila ay napanganga ako sa lawak at laki nito. Agad kong iginala ang mga mata ko sa kabuuan nitong mansyon nila.

Langya. Ang laki.

Nawala lang ang atensyon ko dun nang maramdaman ko ang paghalik ni Kaizer sa kamay ko.

"Huwag kang kabahan. Magustuhan ka man nila o hindi. Wala silang magagawa sa desisyon ko." Seryoso niyang sabi.

Napansin kong tila nagbago ang ekspresyon ng mukha niya at may tinitignan na kung sino.

"Pero Kai..."

Hindi ko natapos pa ang sasabihin ko nang matanaw kong may tatlong tao na palapit sa amin. Hanggang sa huminto sila sa mismong tapat namin. Nakaramdam ako ng ilang nang makita ang babaeng pinagigitnaan ng dalawang lalaki.

Kung tama ang hula ko ay ito ang Ina ni Kaizer. Halata dahil magkahawig sila.

"Kai, anak." Tawag ng babae kay Kaizer.

Binitiwan ni Kaizer ang kamay ko bago lumapit sa babae para yakapin ito.

"Kanina pa kita hinintay." Sabi nito.

Ngumiti lang ng tipid si Kaizer sabay kalas ng yakap sa ina bago sumulyap sa akin.

"Mom, si Gabriell, Boyfriend ko." Pakialala nito sa akin.

Expedallion Crusader : BUGATTI (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon