(Paalala: may ilang salitang hindi kanais nais basahin. Pag unawa ang kailangan.)
"What? Nag confess ka?" Gulat na reaksyon ni Mclaren.
Nakanguso akong tumango bago tinusok tusok ng tinidor ang isang piraso ng hotdog na nasa plato ko. Wala akong gana kumain dahil busog pa ako. Pero dahil na abutan ko dito sa dining room si Mclaren ay naisip ko siyang sabayan kumain lalo na at ikinuwento ko ang ginawa kong katangahan kanina lang.
"So, anong sabi niya?"
Napakurap kurap ako bago binitiwan ang tinidor na hawak.
"Hindi siya sumagot, 'eh. Rejected yata ako." Hindi ko siguradong sagot.
Kumunot ang noo niya.
"What do you mean na di sumagot? As in speechless siya?"
Agad akong tumango.
"Dahil hindi siya sumagot. Umalis ka nalang?" Panibago niyang tanong.
"Oo, syempre nakakahiya eh,"
Nang gabing mag uusap kami dapat ni Kaizer. Plano ko lang na tanungin siya kung may ibig sabihin ba ang pagpapakita niya ng kabaitan sa akin. Ano man ang maging sagot niya dun ay magtatapat ako ng feelings.
Nagawa ko naman yon kahit hindi ko pa naka-klaro sa kaniya kung may feelings din ba siya sa akin.
Kaya lang, bigla akong nalungkot ng slight nang makita ang gulat na ekspresyon sa mukha niya. Sa labis na pagkataranta ay nagmamadali akong tumakbo palabas ng kotse niya.
"Ang tapang mo." Komento ni Mclaren na ikinanguso ko lang.
Pagod na napasandal ako sa kinauupuan ko.
"Alam mo ba, ang pag amin sa taong nagugustuhan ang pinaka-nakakaduwag na gawin." Dagdag niya pa.
"Tingin mo ba, tama na umamin ako agad? Kahit pa hindi klaro sa akin yung feelings niya? Kasi diba, baka mamaya ako lang nag a-assume sa mga salita at kilos niya. Pero wala pala yung ibang kahulugan."
Iyon ang pinaka-concern ko, 'eh. Syempre nagsimula na akong makaramdam ng kakaibang feelings sa demuho na yun. Kaya magtataka kung same ba kami ng nararamdaman dahil iba yung kilos niya kapag magkasama kami, 'eh. Pati mga lumalabas minsan sa bibig niya.
Pa fall masyado.
"Okay din naman yan. At least, ano man ang maging sagot niya. Nasabi mo na ng wala kang pagsisihan sa huli. Saka, hindi ka naman umaasa diba?"
Sandali akong natigilan bago pekeng ngumiti sa kaniya.
"Of course. Hindi naman ako umaasa. Nag confess lang talaga ako agad para mabawasan na ang mga iniisip ko at makapag focus nalang sa trabaho." Paliwanag ko.
Sinungaling.
Gusto kong paniwalain ang sarili ko na hindi talaga ako umaasa sa magiging sagot ni Kaizer. Pero na dissapointed ako sa naging reaksyon niya kanina.
Sabagay, hindi ko naman siya masisisi. Bigla ba naman akong nag confess. Ang masama pa nito, straight yata ang demuho kaya baka mandiri na yun sa akin.
Paano ko na siya haharapin nito?
"Pinabilib mo ko, 'ah. Tinalo mo pa ako. Never kong ma-imagine ang sarili ko na gawin yon." Biglang sabi ni Mclaren na ngayon ay seryosong nakatitig sa mga pagkaing nasa lamesa.
Napakamot ako sa kanang sintido ko. Alam kong medyo katangahan yung ginawa ko. Pero nakakagulat na tila bumibilib sa akin si Mclaren.
Hindi niya yata kayang magtapat sa taong nagugustuhan niya.
BINABASA MO ANG
Expedallion Crusader : BUGATTI (Completed)
Teen Fiction"Low class member." Iyan ang bansag kay Bugatti dahil sa madalas niyang poor performance sa pangangarera sa Death Race. Bukod dun, kilala din siya dahil sa average niyang itsura at sa pagiging tahimik dahilan para bumaba ng husto ang self confidence...