Gusto ni Allistair na manghingi ako ng tulong kay Kaizer para mahanap si Ollie. Ang sabi ko naman, parang ang ewan naman kung pati yon ay po-problemahin pa ni Kaizer. Mas maganda daw na manghingi na kami ng tulong para hindi na kami mahirapan. Nag suggest kasi si Gioffer na kung sasabihin ni Maxine sa magulang niya ang tungkol sa kanyang sitwasyon. Dapat alam na namin kung nasaan si Ollie.
Syempre, may responsibilidad si Ollie kay Maxine kaya dapat niyang panagutan ito.
Sumasang ayon naman ako dun. Kaya nga plano kung kausapin si Kaizer para manghingi ng tulong. Ang problema lang hanggang ngayon, hindi pa niya ako kino-kontak. Ni hindi pa nga kami nagkikita.
"Oh yan. Tapos na." Sabi ni Nurse Even kaya marahan kong ginalaw-galaw ang kaliwang kamay ko.
"Thank you po." Magalang kong pasasalamat.
Ngumiti siya bago isa-isang dinampot sa lamesa ang mga gamit niya. Agad siyang nagpaalam kay Miss Karin na tuwid na nakatayo sa gilid ko. Tumango lang naman ito sa kanya kaya naglakad si Nurse Even palabas ng silid.
Nakita kong napabuga ng hangin si Miss Karin bago naglakad palapit sa akin. Umupo siya sa tabi ko dahilan para kabahan ako.
"Pagagalitan mo ba ako?"
Bahagya siyang natawa sa narinig sabay iling.
"Sa tagal mo na dito sa Death Race ngayon ka nalang ulit nagkaroon ng injury. May problema ka ba?"
Hindi agad ako nakaimik. Napatitig ako sa kaliwang kamay kong may benda. Ramdam kong medyo kumikirot ito.
Kaatapos lang ng match ko. Ako ang ikalawa sa huling lalaban ngayong gabi. Buti na nga lang at pagtapos namin nila Allistair sa mall ay hinatid na namin si Maxine sa kanila. Kaya nakauwi na ako agad. Kamalas-malasan namang nagka-injury ako dahil sa malakas na pagsalpok ng kotse ng kalaban sa Bugatti ko.
Sa huli ay natalo ako.
"Wala akong problema, Miss Karin. Hindi ako lutang habang nakikipag-karera kanina. Sadyang nagulat ako sa ginawang pag atake ng asul na Lamborghini sa akin.
Ang gagong kalaban ko kasi na yon. Daming babanggain sa bugatti ko. Yung harapan pa ang napili. Nasira tuloy ito. Basag-basag ang unahang pinto. Ang masakit pa sa damdamin. Sa lakas ng impact nitp ay nagkasugat ako sa kamay. Swerte ko nalang na kaliwa yung natamaan. Hindi yung kanan ko.
"Okay. Huwag nalang sana mauulit ito. Mas maging maingat ka next time."
Hindi na ako nagsalita pa. Tinanguan ko lang siya.
"Sige na. Magpahinga ka na." Sabi pa nito kaya tumayo na ako sa sofa at naglakad palabas ng opisina niya.
Saktong paglabas ko ay naabutan kong naghihintay si Mclaren.
"Pinagalitan ka?" Bungad niyang tanong.
Umiling ako bilang sagot tapos ay nagpatuloy na sa paglakad. Siya naman ay sumabay sa akin.
"In fairness sa kalaban mo. Grabe yung style niya. Bangga kung bangga."
Natawa ako sa narinig niyang komento.
"May info ka ba kung bago ang racer na yon? Parang ngayon ko lang kasi sya nakita."
Madalas sa mga nakakalaban namin ay nkaka-ilang beses na ng salang dito sa Death Race kaya natatandaan ko sila. Pero yung nakalaban ko kanina. Bago yon.
"Wala, 'eh. Bago siguro."
Napatango nalang ako sa kaniya.
"Napadala mo na sa mga staff natin ang kotse mo?" Panibago niyang tanong.
BINABASA MO ANG
Expedallion Crusader : BUGATTI (Completed)
Teen Fiction"Low class member." Iyan ang bansag kay Bugatti dahil sa madalas niyang poor performance sa pangangarera sa Death Race. Bukod dun, kilala din siya dahil sa average niyang itsura at sa pagiging tahimik dahilan para bumaba ng husto ang self confidence...