Hindi ko mapigilang mapakamot sa tuktok ng ulo ko habang naglalakad at sinusundan si Kaizer Griffin. Halos fifteen minutes ko na yata siyang sinusundan base na din sa nakita ko sa relo ko. Pero hanggang ngayon ay wala pa siyang mahanap o mapiling pwedeng iregalo kay Ford.
Katatapos lang namin mag lunch at tulad ng sabi niya. Siya ang nagbayad. Libre, kumbaga. Pero nang yayain ko na siyang bumalik sa Castelli Academy ay tumanggi ito. Samahan ko daw siyang maghanap nang pwedeng ibigay kay Ford kapag nagkita sila. Dahil wala akong choice. Obviously at sinamahan ko siya. Heto nga at nandito kami sa mall na malapit lang sa Castelli.
Ang kaso lang, kanina pa siya nahihirapan sa pag iisip ng ibibigay nga kay Ford. Kaya ang ending, para kaming bangag na paikot ikot dito sa buong mall. Ramdam ko na nga ang pangangalay ng mga binti ko. Nakakairita pa dahil pinagtitinginan kami ng mga nakakasalubong namin. Kesyo oras daw ng klase nasa galaan kami.
Pareho kasi kaming naka-uniporme ng Castelli. So, maiisip talagang nag cutting class kami para lang maglakwatsa.
Napailing nalang ako sa inis. Kung hindi ko lang kailangan ng ekstrang pera ay hindi ko pagtsa-tsagaan ang pagsunod-sunod sa demuhong si Kaizer Griffin.
Ayoko lang talagang gastusin ang pera ko sa bangko.
Ilang segundo lang ay napansin kong huminto siya sa paglalakad kaya napahinto din ako. Nakasimangot siyang bumaling sa akin.
"Kung tulungan mo kaya akong mag isip kung anong ireregalo ko kay Ford?"
Peke akong ngumiti at nilapitan siya.
"Ano suko na ba?"
Umiling siya.
"Ano bang pwedeng ibigay sa kanya? Damit? Alahas? Perfume?"
Napabuga ako ng hangin.
"Alam mo, Kaizer Griffin. Kung talagang seryoso kang bigyan ng regalo si Ford. Yung simple lang. Hindi naman siya mahilig sa materyal na bagay."
Hindi man kami ganun ka close ni Ford. Kabisado ko yun pagdating sa mga ganito. Alam kong hindi yun mahilig sa materyal. Si Lotus lang naman ang maarte.
"Kung magsalita ka parang close kayo?" Bigla niyang tanong.
Bahagya akong napalunok sabay iling.
"Nahulaan ko lang yun."
Ngumisi siya at muling nagpatuloy sa paglakad. Heto ako at sinundan ko nalang. Sa ilang minutong pagbuntot sa kanya ay nakapili din siya ng mabibili.
"Bracelet?" Nakataas ang isang kilay na tanong ko.
Tumango siya at muling itinuon ang tingin sa bracelet na hawak. Lihim akong napangiti ng tipid.
Sana all binibigyan ng ganyan.
In fairness sa bracelet na napili niya. Halata mong mamahalin dahil sa gold na kulay nito. Simple lang pero may dating.
"Wala na akong maisip kaya heto nalang."
Napatango ako at inilagay ang isang kamay sa bulsa sa pants ko.
"So, pwede na tayong bumalik ng school? Kase absent na ako sa iba kong subjects."
Patay ako nito kay Miss Karin sa oras na malaman niyang hindi ako pumasok sa mga subject ko.
"Babayaran naman kita kaya huwag ka magreklamo dyan." Sabi niya na nanatiling nakatalikod sa akin.
Yamot ko namang hinila ang dulo ng uniporme niyang suot. Nakakunot noo siyang lumingon sa akin. Peke ko siyang nginitian sabay lahad ng kanang palad ko sa harapan niya.
BINABASA MO ANG
Expedallion Crusader : BUGATTI (Completed)
Teen Fiction"Low class member." Iyan ang bansag kay Bugatti dahil sa madalas niyang poor performance sa pangangarera sa Death Race. Bukod dun, kilala din siya dahil sa average niyang itsura at sa pagiging tahimik dahilan para bumaba ng husto ang self confidence...