Bakla si Hercules.
Iyan ang balitang nadatnan ko sa Castelli Academy ngayong umaga. Nakita ko pa nga na nag uusap-usap ang tatlong tsismosa kong kaklase. At ang topic nila si Hercules.
Actually, talong issue ang pinaparatang sa kaniya ngayon.
Una na nga dyan ay nag ta-trabaho daw ito sa isang Gay Club. Call boy, kumbaga. Nakikipagsex siya sa mga gay na ang kapalit ay malaking halaga.
Ikalawa naman na hindi daw ito mayaman. Nagpapanggap lang daw. At kaya siya nakapag aral dito sa Castelli Academy dahil mayroon siyang Sugar Daddy na nag tu-tustos ng tuition fee niya.
At ang ikatlo, kaya lang daw ito pumasok sa basketball team ay dahil nais nitong makita at mahawakan ang katawan ng mga kasama niya doon.
Alam kong hindi ako dapat ma-apektuhan sa mga paratang sa kaniya. Pero hindi ko mapigilan.
"Tatahimik kayo o sasapakin ko yang mga pagmumukha ninyo!" Banta ni Billie doon sa mga kaklase nag tsi-tsismisan.
Naglabasan ang mga ito sa room na halata mong natakot kay Billie. Dahil maaga pa naman at wala pa ang Teacher namin ay pwede pa silang magpagala-gala sa labas.
"Ano bang nangyayari kay Hercules? Kapag nakarating ito sa Principal. Sigurado akong ipapatawag siya para kausapin." Tanong ni Maxine na bakas sa mukha ang pag alala.
Umiling si Billie bago inilagay ang dalawang kamay sa magkabilang gilid ng kaniyang baywang. Nakatayo siya sa tapat namin ni Maxine habang kami naman ay nakaupo.
"Siya lang ang makakasagot niyan." Si Billie na sumulyap sa ibang kaklase naming nandito sa room.
"Ang kaso, ilang araw na siyang absent. Hindi ako magtataka kung pati ngayon ay hindi yon papasok." Biglang sabi ko.
"Kung puntahan kaya natin sa kanila?" Suhestyon ni Maxine habang sinusuklay ang mahabang buhok.
Nagkatinginan kami ni Billie.
"Pero hindi natin alam kung saan siya nakatira."
Napangisi si Maxine sa narinig mula kay Billie.
"Alam ko kung saan " Mabilis niyang sabi bago ngumisi.
Tumaas ang isang kilay ni Billie.
"Sinabi sa akin ni Gioffer kahapon lang." Kwento ni Maxine.
"Sige. Puntahan natin siya sa kanila mamaya kung hindi pa din siya papasok ngayon." Pagsang ayon ko sa balak nito.
Sabay naman silang tumango.
Nang mag alas otso ng umaga ay nagsimula na ang klase. Habang nakikinig ako sa itinuturo ng Teacher namin ay hawak ko ang cellphone ko dahil panay ang text ni Kaizer na ina-aya akong sumabay ng lunch sa kaniya mamaya.
- Next time nalang. Kailangan kong sumabay sa kanila ngayon dahil mag me-meeting kami.
- Meeting?
Napabuga ako ng mabasa ang reply niya.
- Pag uusapan lang namin na puntahan si Hercules sa kanila mamayang uwian.
Ka-cha-chat lang ni Gioffer kay Maxine. Hindi daw pumasok si Hercules ngayon kaya mas lalong umuugong ang issue nito sa section nila.
- May problema ba siya?
Alam kong alam ni Kaizer ang kumakalat na tsismis tungkol kay Hercules dahil ito na ang topic ng halos karamihan sa mga marites dito sa Castelli.
- Mukhang meron kaya gusto namin siyang makausap ng personal.
BINABASA MO ANG
Expedallion Crusader : BUGATTI (Completed)
Teen Fiction"Low class member." Iyan ang bansag kay Bugatti dahil sa madalas niyang poor performance sa pangangarera sa Death Race. Bukod dun, kilala din siya dahil sa average niyang itsura at sa pagiging tahimik dahilan para bumaba ng husto ang self confidence...