Talagang may nagbago kay Maxine simula nang maging sila ni Ollie. Palagi kong napapansin na wala siya sa konsentrasyon tuwing nasa oras ng klase kaya nag a-alala ako. Ilang beses na namin siyang pinagsabihan ni Billie pero hindi siya nakikinig.
Galit pa nga.
Nang sumunod na araw ay tila nawalan ng sigla si Maxine. Madalas siyang nakatulala na tila wala sa sarili. Habang nagkaklase ay panay ang sulyap nito sa cellphone na hawak. Nahuhulaan kong nag aabang siya ng chat o text ni Ollie.
Napaisip tuloy ako. Madalas niya namang kachat ito ng mga nakaraang araw pero ngayon mukhang hindi yata sila nag-uusap.
Nang magtanghalian ay sumabay na siya sa amin dahilan para makita ko ang pagtataka sa mukha nila Allistair.
"Wala si Ollie?" Tanong ni Gioffer.
Ngumiti ng tipid si Maxine.
"Hindi siya pumasok, 'eh." Sagot nito.
Sabay na napailing ang magkatabing si Allistair at Hercules. Si Gioffer na nasa tabi nila ay napakunot noo lang.
"Tama na tsimisan. Kumain na kayo." Saway ni Billie sa kanila.
May sinesenyas siya sa tatlo na agad namang na intindihan ng mga ito kaya nanahimik sila. Pero nang mapatingin sa akin si Gioffer ay muli itong nagsalita.
"Si Kaizer bakit wala? Wala din yung mga kaibigan niya."
Napabuga ako ng hangin.
"Hindi din siya pumasok. May importanteng inasikaso."
Umaga pa nag text na si Kaizer sa akin na hindi daw siya papasok at may aasikasuhin siya. Driver niya nga ang naghatid sa akin papasok sa school. Mamaya yun din daw ang magsusundo sa akin papauwi.
"Sila Wilhem naman. Wala akong ideya kung nasaan ang mga yon." Dagdag ko pa.
Ilang araw na ang nakakalipas buhat ng magkausap kami ni Zeno. Hindi ko alam kung ano ng nangyari sa kaniya. Hindi naman siya nagrereply sa chat ko.
"Tayo-tayo nalang ulit." Pagtukoy ni Hercules sa bilang namin.
Nagpatuloy kami sa pananghalian. Panay ang daldal ng tatlo. Habang si Billie ay panaka-nakang nakikisali sa mga ito. Kami naman ni Maxine ay tahimik lang. Dahil magkatabi kami nito ay mas malapitan kong nakikita ang itsura niyang malungkot ang mga mata.
May problema yata siya.
Dahil sa concern ay naisip kong tanungin siya. Marahan kong tinapik ang balikat niya. Bumaling naman siya ng tingin sa akin.
"Ayos ka lang?"
Tumango siya bago ngumiti.
"Ayos lang." Sagot niya.
Napasulyap ako sa pananghalian niya kakaunti lang ang bawas.
"Kung may problema ka. Huwag ka mahihiyang magkwento."
Sandali siyang natigilan bago muling ngumiti.
"Salamat, Gabby. Pero ayos lang ako."
Kahit hindi ako kumbinsido sa narinig ay hinayaan ko na siya. Maya-maya pa ay may babaeng biglang lumapit sa pwesto namin. Huminto ito sa gilid ni Maxine. Nagulat nalang kami nang bigla nitong hinila ang mahabang buhok ni Maxine.
"Oh shit!" Bulalas ni Maxine.
Mabilis kaming napatayo sa aming kinauupuan. Si Allistair at Gioffer nga ay lumapit agad dun sa babae. Pero huli na sila dahil sinabunutan na nito si Maxine.
"Mang aagaw ka! Malandi ka!" Sigaw nito at binigyan ng mag asawang sampal si Maxine.
Sa bilis ni Gioffer ay nagawa niyang mailayo kay Maxine yung babae.
BINABASA MO ANG
Expedallion Crusader : BUGATTI (Completed)
Teen Fiction"Low class member." Iyan ang bansag kay Bugatti dahil sa madalas niyang poor performance sa pangangarera sa Death Race. Bukod dun, kilala din siya dahil sa average niyang itsura at sa pagiging tahimik dahilan para bumaba ng husto ang self confidence...