CHAPTER 41

1.2K 39 7
                                    

"Woah, 55k?" Namamangha kong bulalas habang nakatitig sa relos na naka-display sa istante.

Ngumisi ang sales lady sa akin.

"Kung hindi mo kayang bilhin pwede ka ng umalis." Sabi nito dahilan para mapanguso ako.

Hindi ko daw kayang bilhin? Isampal ko kaya sa babaeng ito yung pera ko sa bangko?

Kahit medyo naiinis ay pilit kong nginitian ang sales lady.

"Sige po. Bibilhin ko."

Inabot ko sa kanya ang credit card ko.

Sa Death Race ay may sari-sarili kaming credit card at Atm. Dito pinapasok ni Boss Cosimo ang sahod namin. Dahil kasasahod ko lang kahapon. Ngayon ko naisip na bilhan ng regalo si Kaizer. Tutal ay na bad trip nga ako kanina.

Matapos ang eksenang nakita ko kanina sa Castelli na yumakap kay Kaizer yung babae. Nagmamadali akong umalis doon. Sumakay ako ng taxi papunta dito sa mall. Tinext ko lang si Kaizer na hindi muna ako sasabay sa kanya. Puntahan nalang niya ako mamaya sa Death Race pagtapos ng trabaho ko.

Pero alam kong hindi siya kumbinsido sa paliwanag na yun. Kaya panay ang tunog ng cellphone ko dahil sa text at tawag niya.

Hindi ko naman ito sinasagot dahil wala ako sa mood. Naiirita ako dun sa babae. Malakas ang kutob ko na 'yon si Lorie.

"Heto na Sir." Rinig kong sabi ng sales lady kaya napabalik ako sa kasalukuyan.

Iniabot niya sa akin ang hindi kalakihang paper bag pati yung credit card ko. Peke akong ngumiti sa kanya bago tumalikod na at naglakad palabas ng store. Agad kong ibinalik sa wallet ang credit card ko. Tapos ipinasok sa bag yung binili ko.

Mahirap na baka mawala pa 'to. Ang mahal pa naman nito.

Sabagay magandang brand kasi itong napili ko kaya maganda din presyo.

Dahil wala pa akong planong umuwi ay naglakad-lakad lang ako dito sa mall. Sure akong pag umuwi ako agad sa Death Race ay nag aabang doon si Kaizer. Mamaya ko nalang siya haharapin. Hahayaan ko munang humupa ang inis ko.

Sa totoo lang nayayamot sa sarili ko dahil nagiging isip bata ako ngayon. Nangako pa ako kay Kaizer na mag uusap kami agad kapag may namumuong problema para hindi lumala. Tapos ngayon, heto ako at umi-iwas.

Engot ka talaga.

Nang makaramdam ng gutom ay nagpunta ako sa fast food. Umorder ako ng fried chicken at french fries. Habang kumakain ay naisipan kong hanapin sa facebook yung si Lorie. Pero lumipas ang ilang minuto ay wala akong mahanap. Bukod sa hindi ko alam ang apelyido nito. Hindi ko masyadong nakita nang mas malapitan ang mukha niya kanina dahil nakatagilid siya sa akin habang yakap si Kaizer.

Hanggang sa maisip kong tignan ang account ni Kaizer. Inistalk ko ito. Napasimangot ako nang makitang wala siyang masyadong post nitong mga nakaraan.

"Baka sa instagram ito active. Malas lang, wala akong nun." Mahina kong sabi sa sarili.

Sa patuloy na pagstalk sa fb account ni Kaizer ay napadpad ako sa mga picture niya. Inisa-isa kong tignan ito lalo na yung pinaka-luma. Natagalan ko sa isang picture niya na nag iisa na may halos 15k na reactions. Na curious ako sa mga account na nag react dito kaya tinignan ko. Sinuwerte namang nakita ko agad ang hinahanap ko.

Lorie Marie Santibañez.

Iyan ang buo niyang pangalan sa facebook. Saktong nakapublic ang account niya kaya nakikita ko lahat ng post niya.

Hindi ko naman mapigilang mapanganga sa picture ni Lorie. Ang ganda-ganda niya. Pang beauty queen ang kagandahan. Na halata mong matalino. Tapos matangkad pa. Hindi ako magtataka na naging ex siya ni Kaizer.

Expedallion Crusader : BUGATTI (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon