CHAPTER 10

1.9K 64 44
                                    

"Sino yon?" Rinig kong tanong niya dahilan para kunot noo ko siyang binalingan ng tingin.

Nanatili naman ang atensyon niya sa daan habang ang isang kamay ay nasa manibela. Napalunok ako nang mapansin ang ilang ugat sa braso niya. Halatang matigas ito na bunga siguro ng tamang pag aalaga sa kaniyang katawan.

"Gabriell."

Mabilis akong nag angat ng tingin sa kanya.

"Himala. Tinawag mo yata ako sa pangalan ko?"

Ito ang unang pagkakataon na narinig ko yun mula sa kaniya.

"Sabi ko, sino yun? Yung kausap ninyo sa Cafeteria?" Pagbabalewala niya sa tanong ko

Panaka-naka niya akong sinusulyapan habang magmamaneho. Hindi ko naman mapigilang mapangiwi dahil sa pagiging tsismoso niya.

Nang magkita kita kami sa Cafeteria kaninang tanghali ay hindi na nagtagal pa sila Hercules. Umalis na sila doon. Buti na nga lang nag bell na agad kaya nagsi-balikan na kami sa kani-kaniyang klase namin.

"Sabi ni Zeno. Mga player yun ng Basketball. Close kayo?" Patuloy niyang tanong na akala mo imbestigador.

"Dati kong classmate noong elementary."

Napansin kong medyo traffic kaya bumagal ang pagpapatakbo niya.

"Close kayo?"

Hindi ko inintindi ang panibago niyang tanong. Napadungaw ako sa bukas na bintana nitong kotse niya. Nakita kong malayo na kami sa school. Naalala ko ang motor kong naiwan doon.

"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko.

"Huwag mong ibahin ang usapan. Tinanong ko kung close ba kayo nun?"

Sa narinig ay magkasalubong ang kilay na tinuon ko ang tingin ko sa kaniya.

"Marites ka rin, 'no?"

Bigla siyang sumimangot habang patuloy akong sinusulyapan.

"Curious lang."

Umiling ako bago sumandal sa kinauupuan.

"Hindi kami close dati. Gusto palang niyang makipagclose ngayon."

"At gusto mo naman?"

Nakangiwi kong hinimas ang magkabilang sintido ko. Nagsisimula na akong mabored. Bakit ba siya tanong nang tanong tungkol kay Hercules.

Di kaya type niya yun?

Mali. Straight 'tong si Kaizer. Crush niya nga si Ford kaya imposible.

"Mabait si Hercules. Mabait din ako. Gusto niya lang makipagkaibigan. Sino ko para tumanggi." Paliwanag ko at muli siyang tinitigan.

Nanatiling magkasalubong ang kilay niya tapos may kung anong binubulong na hindi ko naman marinig.

"Dami mong tanong. Wala sa kasunduan natin na mag marites ka about sa akin. Si Ford ang dapat tinanong mo sa akin." Himutok ko.

"Eh, sa curious ako. Bakit ba? Angal ka?" Maangas niyang tanong.

Inis akong napairap.

"So, saan nga tayo pupunta? Bibili ka na ng regalo para kay Ford?"

Kahapon pa siya nag ayang pumunta ng mall pero hindi natuloy. May biglaang meeting daw siya na dapat daluhan. Kaya ngayon nalang daw kami aalis.

"Nagugutom ako. Gusto kong kumain."

Literal tumaas ang isang kilay ko sa sinagot niya.

"Nagugutom ka pala 'eh, di dapat kumain ka mag isa. Bakit kailangan isama mo pa ako?"

Expedallion Crusader : BUGATTI (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon