"Suspended?" Mangha kong bulalas habang nasa tapat ko si Lamborghini.
Tumango siya bago isinuot sa dalawang kamay ang mga gwantes niyang hawak.
"Pero bakit daw suspended si Jaguar?" Usisa ko pa.
Ngumiwi siya bago sumandal sa kotse niyang nasa tabi lang namin. Pinag ekis pa nito ang kaniyang mga braso tapos sandaling natahimik na tila nag iisip.
"Ayon sa tsismis ni Mazda. Nahuli daw na nakipag-race sa labas."
Natahimik ako at napaisip sa nalaman.
Si Jaguar ay suspended ng isang buwan dito sa Death Race dahil sa paglabag sa rules ng kompanya. Ito nga ay yung mangarera ka sa labas ng walang permiso. Lahat kami ay alam namin ang tungkol doon dati pa kaya ako nagtataka bakit ginawa pa din ni Jaguar.
"Buti nga sa kaniya." Sabat ni Chevrolet na nasa tabi ko na pala.
Ngumisi si Lamborghini dito bago sinulyapan ang kotse na kaniyang sinasandalan.
"Ilang linggo daw siyang suspended?" Patuloy ko pang tanong na papalit palit ang tingin sa dalawa.
"Isang buwan." Agad na sagot ni Chevolet at naglakad palapit kay Lamborghini.
Tumabi siya dito. Nakisandal siya sa kotse nito habang isinusuot ang sarili niyang gwantes sa kanang kamay.
Usually kasi kapag nangangarera kami ay madalas kaming gumamit ng gwantes sa kamay lalo na kung pasmado para hindi sagabal sa pangangarera.
"Ang tagal nun." Sabi ko at napahimas sa kanang sintido.
Napansin kong napatitig si Lamborghini sa kamay ko kaya natatarantang ibinaba ko ito.
"Kaya ikaw, Bugatti. Huwag na huwag ka ng sasama kay Ford sa pangangarera sa labas ng Death Race kung ayaw mong masusupended din." Babala ni Chevrolet na ikinakunot ko ng noo.
"Ako?" Taka kong tanong sabay turo sa sarili.
Nakangising tumango si Chevrolet.
"Nakalimutan mo na? Two times kang nag proxy kay Ford para lumaban kasama ang Alpha team niya." Paliwanag nito.
Literal na natigilan ako at pilit na inaalala ang kaniyang sinabi.
Alam kong may team sa labas si Ford na sinasamahan para mangarera. Aware kaming mga ka-miyembro niya tungkol dun. Naalala ko pa nga noon, madalas siyang pagalitan ni Miss Karin sa tuwing lalabas siya ng hindi nagpapaalam.
Naalala ko yun. Pero hindi ko maalala na minsan akong sumama sa kaniya para mangangarera sa labas.
Bakit wala akong matandaan.
Basta ang alam ko nga ay nakapagkarera na ako sa labas pero hindi team mates ni Ford ang kasama ko.
"Parang bago ka nang bago dyan. May ugali yang makakalimutin." Pahayag ni Lamborghini na natatawa.
Tumango naman si Chevrolet at nakitawa na din. Hindi naman ako umimik. Peke ko lang silang nginitian.
"Mag re-ready na ako. Malapit na matapos ang match ni Mclaren." Si Chevrolet na dali-daling naglakad palapit sa kotse niyang nasa malapit.
Nandito kami sa underground garage na naka-konekta sa race track ng Death Race. Kasalukuyang lumalaban si Mclaren para sa opening match ngayong gabi. Ang susunod sa kaniya ay si Chevrolet habang ikatlo ay si Lambo at syempre ako ang susunod.
Kaming apat ang lalaban para sa first half ng race. Tapos mag be-break lang ng ilang minutes bago magsisimula ang second half kung saan uumpisahan naman ito ni Ford.
BINABASA MO ANG
Expedallion Crusader : BUGATTI (Completed)
Teen Fiction"Low class member." Iyan ang bansag kay Bugatti dahil sa madalas niyang poor performance sa pangangarera sa Death Race. Bukod dun, kilala din siya dahil sa average niyang itsura at sa pagiging tahimik dahilan para bumaba ng husto ang self confidence...