Ayoko din talaga sa mga bully na tao. Sino bang may gusto sa kanila? Para sa akin, isa sila sa pinaka-bobo sa mundo. Yung kahit may utak sila. Hindi nila ginagamit dahil mas gusto nilang maging kontrabida sa buhay ng ibang tao.
Kapag naalala ko ang nangyaring karanasan ko noong elementary ay nabwibwisit ako. Dahil sana pala, mas ginalingan ko pa ang pakikipag-away sa mga taong nambubully sa akin.
Isa na nga dun si Allistair.
Nakakatawa lang isipin na ngayong pareho na kaming highschool ay nagkita kami ulit at nanghingi siya ng tawad sa akin na hindi ko agad pinaniwalaan. Pero sa pagdaan ng mga araw ay unti-unti kong nakita at naramdaman ang pagbabago na sinabi niya. Kaya tingin ko, pinatatawad ko na siya.
Naging kumportable ako sa kanya at masaya ako dahil habang nagkaka-edad ay kita ko namang nag ma-matured na siyang mag isip. Kumbaga, tumatanda siyang pasulong. Hindi yung tumatandang paurong.
Ang sitwasyon namin ay ibang iba sa sitwasyon ni Wilhem kay Earl Jhon.
Nagkagusto si Earl Jhon kay Wilhem dahilan para kumalat yun sa buong school. Nalaman nilang Gay si Earl Jhon. Syempre maraming homophobic sa paligid. Agad silang na alarma kay Earl Jhon. Kaya ang ginawa nila. Pinagsabihan ng kung ano-anong masakit na salita, trinatong may nakakadiring sakit at pinagkakatuwaan na parang isang laruan.
Ang malala pa dito. Ayon kay Miss Sanchez. Kabilang si Wilhem sa mga taong yon.
Ayoko siyang husgahan agad. Dahil naniniwala akong sa kwento, laging may dalawang panig. Huwag kang magbibigay agad ng opinyon hanggat hindi mo narirnig ang paliwanag ng lahat.
Kaya ngayon ay umaasa akong makakausap ko si Wilhem. Dahil naniniwala akong may kinalaman ang issue nila ni Earl Jhon sa ginagawa ngayon ni Andy kay Chin-chin.
Maaring may koneksyon ang bully na yon kay Earl John lalo na at nalaman kong pinsan ni Wilhem si Chin-chin.
Gusto kong makausap si Wilhem pero mailap ang isang yon ngayon. Hindi ko sya mahagilap nitong mga nakalipas na araw.
"What? Gusto mong imbestigahan natin ang tungkol kay Earl jhon Villaruz?" Manghang tanong ni Billie.
Tumango ako habang isa-isa silang tinitignan.
Hindi naman sumagot si Gioffer, Allistair at Hercules na magkakatabing nakaupo sa sofa.
"Sige na. Para matahimik na ako." Sabi ko."Bakit minumulto ka ba ni Earl Jhon?" Si Hercules na minamasahe ang isang binti ni Allistair.
Masakit daw kasi ang mga binti niya kaya yan, pinapasamahe niya. Nag basketball sila kaninang umaga. Dahil sabado nga at walang kaming pasok sa school heto at inaya nila akong tumambay dito sa apartment ni Hercules. Sakto nga na nagkasabay kami ng dating ni Billie. Hindi naman namin kasama si Maxine ngayon. Pero sure akong pupunta yon sa birthday ni Allistair mamaya.
Ang malas ko lang at naiwan ko yung cellphone ko kaya hindi ko marereplyan si Kaizer.
Mamaya nalang siguro pag uwi ko. Tutal magkikita naman kami mamayang gabi dahil sabay kaming pupunta sa resort na pagdadausan nga ng birthday ni Allistair.
"Hindi. Naawa lang kasi ako kay Chin-chin." Dahilan ko.
Halos two days ko ng iniisip ang tungkol doon. Actually, dalawa sila ni Wilhem na kinaawan ko.
"Okay pero anong klaseng pag iimbestiga ang gusto mong gawin natin?" Tanong ni Gioffer.
"Nag research kasi ako kagabi about kay Earl Jhon. Nalaman ko na yung bully ni Chin-chin ay kamag anak niya. Meaning, may posibilidad na tama ang hula ko na galit ang bully na yon kay Chin-chin dahil kay Wilhem." Paliwanag ko.
BINABASA MO ANG
Expedallion Crusader : BUGATTI (Completed)
Teen Fiction"Low class member." Iyan ang bansag kay Bugatti dahil sa madalas niyang poor performance sa pangangarera sa Death Race. Bukod dun, kilala din siya dahil sa average niyang itsura at sa pagiging tahimik dahilan para bumaba ng husto ang self confidence...