Ayon kay Mclaren, ang sex daw ay normal na gawain o ginagawa ng magkasintahan at ng mag asawa. Isa daw yun sa paraan para maipakita ang pagmamahal sa isat isa.
Alam ko naman ang tungkol sa bagay na yun. Pero para sa akin, mas okay na mag sex ang dalawang nagmamahalan kapag kasal na sila. Especially para sa mga babae, marami sa kanila ang mindset ay makikipagtalik lang sa lalaki kapag ito ay asawa na nila. Which is good dahil baka matulad sila kay Maxine na masyadong nagpadala sa pagmamahal kaya ang ending, maagang na buntis.
Pero depensa ni Mclaren sa akin ng mapag-usapan namin ang tungkol dyan. Pwede naman daw kasing gumamit ng condom ang lalaki para hindi mabuntis ang babae. Saka pwede din naman daw iputok sa labas or whatever na tawag dun.
Giit pa niya, sa panahon daw ngayon. Para sa mga mag jowa, ang sex ay pangkaraniwan nalang na pwedeng gawin ng dalawang beses sa isang linggo o depende sa kaya nila.
Nakakatawa lang na parang ipinamumukha niya sa akin na ngayong may jowa na ako ay pwede na akong makipag sex kahit araw-araw pa. Ang lagay ay parang sina-suggest niya sa akin na makipag-sex na ako. Tutal lalaki naman ako at hindi mabubuntis.
Siguro sa iba, pwede yun. Pero sa akin, hindi pwede. Lalo na't hindi pa ako ready. Bukod dun, wala akong ideya kung paano ginagawa yun ng pareho ng kasarian.
Inaasar naman ako ni Mazda na kapag daw humiling si Kaizer ng ganun sa akin. Dapat daw pagbigyan ko.
Napaisip lang ako bigla.
Kailangan ba kapag inaya akong makipag-sex ni Kaizer ay dapat pumayag ako agad kasi mag jowa na nga kami. Pwede na naming gawin yun kahit hindi pa kami mag asawa. Kasi nga hindi yun BIG DEAL na gawin. Saka iyon daw kadalasan ang gusto ng jowa mo, so dapat sunod ka lang. Bukod dun, hindi naman nga daw ako babae para mag inarte.
Dapat ba ganun? Susunod ka lang sa gusto ng partner mo. Paano naman yung gusto mo?
"Sex?" Tanong ni Billie.
Tumango ako bago nag indian seat ng upo sa sementadong sahig katabi nilang dalawa ni Maxine.
Nandito kami ngayon sa roof top. Maaga pa naman at wala pang oras para sa pagsisimula ng klase ay naisipan naming tumambay dito.
"Dapat ba kapag inaya ako ni Kaizer nun. Pumayag ako agad?"
Napansin kong sumeryoso ang tingin ng dalawa sa tanong ko.
"No. Hindi pwede. Baka mamaya matulad ka sa akin." Sabi ni Maxine na agad binatukan ni Billie.
"Engot. Anong tingin mo kay Gabby. May matres?"
Napahalakhak si Maxine.
"Pero kahit pa. Huwag muna. Sure akong hindi ka pa ready sa ganyan." Paliwanag ni Maxine.
Napatango naman sa kanya si Billie.
"Bakit ka ba nagtatanong ng tungkol dyan? Ina-aya ka ba ni Kaizer na mag ganun kayo?"
Mabilis akong umiling sa tanong ni Billie. Halata sa mukha niya ang kuryusidad.
"Nabanggit lang kasi ng kasamahan ko sa trabaho Ang pag se-sex daw ay normal ng ginagawa ngayon ng magkakarelasyon kahit hindi pa sila mag asawa. Napaisip lang ako kung dapat bang gawin din namin ni Kaizer yun? Kasi nga kami na."
Sandaling nagkatinginan sa isa't isa ang dalawa bago muling ibinalik ang tingin sa akin.
"Kapag hindi mo daw kasi pinagbigyan sa ganun ang partner mo. Panigurado, maghahanap siya ng iba." Dagdag ko pa.
Naalala kong ganyan ang madalas na biro sa akin ni Mazda ngayon.
"So, iniisip mo kapag inaya ka ni Kaizer na makipagsex at tumanggi ka ay iiwanan ka niya?" Nakangiwing tanong ni Maxine.
BINABASA MO ANG
Expedallion Crusader : BUGATTI (Completed)
Teen Fiction"Low class member." Iyan ang bansag kay Bugatti dahil sa madalas niyang poor performance sa pangangarera sa Death Race. Bukod dun, kilala din siya dahil sa average niyang itsura at sa pagiging tahimik dahilan para bumaba ng husto ang self confidence...