Naguguluhan ako. Hindi ko alam kung bakit. Halos sabunutan ko na ang sarili kong buhok sa pag iisip. Ilang araw na nga akong ganito.Bakit nga ba?
Dahil kasi kay Kaizer Griffin.
Ang demuho na yun. Sa mga kilos at salita niya nitong mga nagdaang araw ay nagsisimula na akong makaramdam ng mga dapat hindi ko maramdaman.
"Tangina naman talaga." Mahina kong bulong bago napakamot sa tuktok ng ulo.
Nakangiwi akong napahinto sa paglakad. Napansin kong medyo malayo pa ang Castelli Academy. Kaya bago pa ako ma-late ay kailangan kong bilis-bilisan ang lakad ko. Huminga ako nang malalim bago nagpatuloy ulit.
Sigurado naman akong hindi ako male-late dahil maaga pa naman.
Maaga talaga akong umalis sa HQ dahil maglalakad lang ako ngayong umaga. Kainis kasi yung motor ni Maserati biglang nagkaproblema yung makina. Agad ko yung dinala sa isa sa pinaka-magaling naming mekaniko sa Death Race. Pero sabi niya ngayong tanghali niya pa daw iyon magagawa dahil busy pa siya.
So, wala akong choice kung hindi mag commute dahil ayoko na ngang gamitin si Bugatti dito sa labas.
Okay naman sana ang pagsakay sa mga pampasaherong sasakyan. Kaya lang, yung na sakyan kong jeep ay hindi naman buma-byahe malapit mismo sa school namin. Hanggang dun lang siya sa kanto. Eh, ang school namin ay sa looban pa. Kaya kailangan ko pang lakarin ang mahabang kalsadang ito papunta doon.
Huwag na magreklamo. Exercise din ito.
Tama. Excercise din ito lalo na hindi ko na nababanat ang mga buto ko. Tanging pagmamaneho sa Death Race nalang ang exercise ko. Samantalang may gym naman kami sa HQ para magamit sa pagpapawis. Palaging si Mazda at Mclaren nga lang ang suki doon.
Beep!
Napamura ako sa gulat nang marinig ang pagbusina ng kung anong sasakyan dahilan para matigilan ako. Kunot noo akong lumingon. Napasimangot ako nang makita si Allistair na sakay ng motor.
"Bakit ka naglalakad? Sira yung motor mo?"
Hindi ako sumagot. Nagtaka ako nang marinig mula sa kaniya na alam niyang may motor ako. Sa pagkakatanda ko, may sarili silang parking malapit sa building nila. So, doon sila nagpaparada ng mga sasakyan nila, kaya hindi niya nakikita kung ano mang sasakyan ang mayroon ako. Depende nalang kung nakita niya ako minsan na nakasakay sa motor ko.
"Gabriell." Pagkuha niya sa atensyon ko.
Sinimangutan ko siya.
"Wala ka na dun." Sagot ko sabay iwas ng tingin sa kaniya.
"Tara. Sumabay ka na sa akin. Iisang school lang naman tayo." Rinig kong sabi ng Impakto.
Hindi ko pinansin yun kaya nagpatuloy nalang ako sa paglakad.
"Gab, tara na."
"Huwag mo kong matawag-tawag na Gab. Hindi tayo close."
Naramdam kong pina-andar niya ang motor niya at mabagal na sinabayan ang paglalakad ko.
"Okay na tayo, diba?"
Asar ko siyang binalingan ng tingin.
"Gago. Hindi ko pa tinatanggap ang sorry mo." Sabi ko habang patuloy pa din naglalakad. Siya naman ay sige lang din sa pag-buntot sa akin.
"Fine. Kung hindi mo pa kayang tanggapin. Maghihintay nalang ako basta kausapin mo ko bilang magka-kaklase nalang. Kahit yun lang."
Hindi ko sinagot yun. Itinuon ko lang ang tingin sa nilalakaran ko. Napamura ako nang makitang ang layo ko pa talaga sa school. Ni hindi ko pa nga nakikita yung mataas na gate nito.
BINABASA MO ANG
Expedallion Crusader : BUGATTI (Completed)
Ficțiune adolescenți"Low class member." Iyan ang bansag kay Bugatti dahil sa madalas niyang poor performance sa pangangarera sa Death Race. Bukod dun, kilala din siya dahil sa average niyang itsura at sa pagiging tahimik dahilan para bumaba ng husto ang self confidence...