Mabilis natapos ang opening ceremony para sa school festival. Sa dami ng sinabi ng matandang Principal ay ni isa, wala akong naintindihan dahil hindi ko naman inintindi. Agad kaming umalis sa auditorium. Bumalik kami sa classroom namin para maghanda na sa pagsisimula ng event.
Itinoka ako ni Maxine sa labas ng room para mang hikayat ng mga customers. Hawak ko pa yung menu card namin. Dito nakalista ang mga ibinebenta namin para alam daw agad ng mga customers ang presyo nito.
Habang ang iba ay nasa loob para mag assist. Si Billie naman at yung isa pa naming kaklaseng babae sa kaha nakatoka.
Napahikab ako nang makita ang pagdagsa ng mga tao. Base sa nakikita ko ay nagsimula ng dumating ang iba pang estudyanteng nagmula sa ibat ibang eskwelahan dito sa Lankford City. Sabi ni Maxine, halos anim na schools daw ang inimbita ng principal namin para makisaya sa festival ng Castelli Academy.
Kaya hindi lang kami-kaming mga taga-castelli ang nag ce-celebrate ngayon.
"Sweet Bakery Shop ng Section Taurus. Try ninyo na!"
Napalingon ako nang marinig ang boses na yun ng isang babaeng galing sa kabilang section. Ang classroom nila ay katabi lang ng classroom namin. Nakasuot siya ng dress na akala mo pupunta sa pyesta.
Napansin kong kani-kaniya ng diskarte ang bawat section para makahatak ng customers. Samantalang ako, nanatiling tahimik at naghihintay lang sa kung sinong gustong pumasok sa booth namin.
Ayoko namang gayahin ang ginagawa nila. Nakakaubos ng energy. Bahala na sila kung gusto nilang pumasok sa booth namin.
Tahimik kong ipinaypay sa sarili ko ang hawak na menu card tapos ay napatitig sa banderitas na nakakabit sa mga bintana ng classroom namin. Naiinitan ako dahil sa bistidang suot ko at sa mahabang wig na nakakabit sa ulo ko.
Maya-maya pa ay naramdaman kong may presensya ng kung sino sa likuran ko. Mabilis akong ngumiti nang sandaling humarap ako dito sa pag aakalang customers ito. Pero bigla akong sumimangot nang makitang si Allistair lang pala 'to.
"Kung hindi ka bibili ng kape namin. Lumayas ka sa harapan ko." Suplado kong sabi.
Napakurap kurap siya habang tinitigan ako mula ulo hanggang paa. Nanatili akong nakasimangot nang makitang natatawa na siya.
"Ang cute mo, Gab. Bagay sayo. Mukha ka ng babae talaga."
Tinaasan ko siya ng isang kilay.
"Anong gusto mong palabasin? Na mas lalo akong naging bakla tignan?"
Nakangiwi siyang umiling.
"Hindi, 'ah. Mukha ka kang babae kako. Parang natural na babae."
Hindi ko alam kung dapat akong matuwa o maasar sa papuri niya. Hinayaan ko nalang tutal ayokong masira ang mood ko ngayon. Kailangan kong makipag-cooperate sa mga kaklase ko nang matapos namin ng matiwasay ang event na ito.
Napatitig ako sa suot niyang basketball jersey ng Castelli Academy.
Galing ng costume nila. Ang effort.
"Ano na? Bibili ka ba ng kape namin? Kung hindi, pwede ka ng umalis." Sabi ko at muling pinaypay sa sarili ang menu card.
Natigilan ako nang biglang agawin yun sa akin ni Allistair. Seryoso niyang binasa ang mga pagkain at inumin na nasa menu.
"Ang mahal ninyo naman magtinda. One hundred pesos ang isang baso lang ng instant coffee?"
Hindi ko mapigilang matawa sa reaksyon niya. Kahit ako ganyan ang reaksyon nang unang beses kong makita ang menu na ginawa ni Maxine.
BINABASA MO ANG
Expedallion Crusader : BUGATTI (Completed)
Teen Fiction"Low class member." Iyan ang bansag kay Bugatti dahil sa madalas niyang poor performance sa pangangarera sa Death Race. Bukod dun, kilala din siya dahil sa average niyang itsura at sa pagiging tahimik dahilan para bumaba ng husto ang self confidence...