CHAPTER 5

1.7K 70 36
                                    


"Ay kalabaw!" Gulat kong bulalas nang may kung sinong kumalabit sa akin.

Pagharap ko ay tumambad sa akin ang nakangising pagmumukha si Kaizer Griffin. Agad kong pinasadahan ang itsura niya mula ulo hanggang paa.

Naka-over all black ang demuho. Ginaya pa ako.

Nakasuot siya ng jogger pants na black. Tapos tinernuhan ng long sleeve shirt na black din. Ang suot naman niyang sapatos ay black pa din. Tapos may suot pa siyang silver na kwintas.

Habang ako ay maong pants na black plus T-shirt na black. Ang sapatos ko ay high cut converse na black. Para mas maging aesthetic ang get up ko ay nag suot ako ng sumblero. Black din ang kulay nito.

Mayroon pa pala. Naka-face mask din ako. Syempre black din ang kulaym

"Saang burol ba tayo pupunta?" Pagbibiro ko.

Hindi siya tumawa. Ni hindi din siya nagalit or nainis. Poker face lang siyang nakatingin sa akin. Napailing ako. Ako yung tipo ng taong hindi sanay makisama sa iba. I mean, yung maging friendly. Mas gusto ko ngang mag isa. Pero nang makasama ko si Billie at Maxine nagagawa ko na kahit paano na makatagal sa usapan. Ngayon ay sinusubukan ko ito kay Kaizer Griffin tutal, makikinabang naman ako sa kanya.

"Tara na. Ayokong ma-missed ang match ni Ford." Bigla niyang sabi.

Napatango ako bilang tugon.

Sabay kaming naglakad patungo sa main door ng Death Race Building. Mabilis itinaas sa bibig ko ang face mask ko.

Ngayong gabi kasi ang plano niyang magpasama para manuod ng laban ni Ford. Ayoko nga sana kaso walang akong choice. Sayang din naman ang kikitain ko sa taong ito.

Nang makapasok kami sa loob. Kapansin pansin ang pagdami ng mga tao sa paligid. Ganitong oras kasi ang dagsa talaga ng mga customer namin para manuod ng live.

"Bakit naka-face mask ka pa? Mukha kang kidnapper." Rinig kong komento nitong katabi ko.

"Pakialam mo ba. Aesthetic 'to." Pagbibida ko.

Sanay na akong magsuot ng facemask lalo na kapag nakikipag race ako upang maiwasang makilala. Although, kampante naman akong walang makakilala sa akin ngayon dito. Kailangan ko pa ding mag ingat.

"Dami mong arte." Tanging komento niya.

Ikinibit balikat ko lang iyon. Patuloy lang kaming naglakad. Hanggang sa nakarating na kami sa Underground kung nasaan ang malawak at malaking race track nitong Death Race. Inilabas ni Kaizer Griffin ang dalawang ticket nang harangin kami sa pinto. Dalawang security guard ang narito sa bukana upang magbantay ng mga papasok.

Dito kasi sa Death Race. May ticket na kailangan para makapanuod ng live at take note. Hindi basta-basta ang presyo ng ticket. Naka-depende pa ito kung saan mo gusto maupo. Syempre kung mas malapit ay mas malaki ang halagang katumbas ng ticket mo.

Dahil si Kaizer Griffin ang nag aya na samahan ko siya para manuod ng match ni Ford. So, malamang ay siya ang gagastos para sa ticket.

Nakakatawang isipin lang na para kaming nag de-date.

In your dreams.

Inis akong napailing at sumunod nalang kay Kaizer na ngayon ay palapit na sa mga upuang narito.

"Dito tayo." Sabi niya at tinuro niya ang unang hanay ng mga bleacher na nasa malapit. Umupo siya sa isa sa mga bakanteng naroon. Sumunod naman ako at umupo sa tabi niya. Napansin kong kakaunti nalang ang mga upuan na bakante. Meaning, malapit na magsimula ang race.

Sa naalala kong anunsyo ni Miss Karin kanina. Si Ford nga ang unang lalaban ngayon. Ako naman ang panghuli. Bale, maaga akong makakabalik sa HQ upang makapagbihis ng damit at sa oras na ako na ang lalaban. Siguro naman ay naka-uwi na itong si Kaizer Griffin kung saan man siya nakatira.

Expedallion Crusader : BUGATTI (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon