"Shit na yan!" Inis kong bulalas matapos akong malagpasan ng kalaban ko.
Napahigpit ang kapit ko sa manibela. Madiin naman ang pagkakatapak ko sa accelerator. Nakangiwi na ako habang pilit na binibilisan ang pagtakbo nitong kotse ko.
Hindi ako pwedeng matalo.
Dahil huling laps na itong dinaraanan namin kaya mas dikdikan na ang laban. Kahit pa na unahan na ako ng pulang ferrari na kalaban ko ay hindi ko siya hinahayaang mawala sa paningin ko. Hanggang nga sa tumapat na ako sa kaniya. Sinulyapan ko siya sakto namang bukas din ang bintana ng kanyang kotse. Nanlaki ang mga mata niya sa akin na tila hindi makapaniwalang nakahabol ako.
Tsk, Old man.
Ito ay isang random racer na nagmula sa hindi kilalang grupo. Tinatawag ko siyang Old man dahil base sa files na binasa ni Miss Karin kanina bago ang match. Nasa mid 30's na siya. For me, matanda na yun kumpara sa tulad ko.
"Sorry, Old man. Pero ako pa din ang mananalo!" Sigaw ko at tinodo na ang bilis ng Bugatti ko.
Wala pang ilang segundo ay nalampasan ko siya. Rinig na rinig ko ang hiyawan ng mga manunuod na nasa race track arena. Meaning, malapit na ako sa finish line. Pero ang lintik na kalaban ko ay hindi talaga patatalo. Nakita ko sa rear view mirror ko na bumubulusok ang ferrari niya palapit sa akin kaya nag focus na ako. Ilang sandali lang ay narating ko ang finish line. Kasabay nun ay malakas na pagputok ng alarm na hudyat na may nanalo na. Binanggit din ng emcee ang pangalan ko kaya muling naghiwayan ang mga manunuod. Lalo na ang mga taong pumusta sa akin.
Matapos ang match ay ibinalik ko na ang Bugatti ko sa malawak naming parking space dito sa Death Race building.
"Congrats." Bati ni Chevrolet nang makababa ako sa Bugatti ko.
Tumango ako at tahimik na isinarado ang pinto ni Bugatti. Inalis ko din ang suot kong facemask dahil naiinitan na ako. Ibinulsa ko naman iyon.
"May kailangan ka?" Tanong ko nang mapansing na nanatili siyang nakatayo sa harapan ko.
Bumalik sa ala-ala kong siya ang susunod na lalaban. Kaya siguro nandito na siya para mag ready patungo sa race track.
"Nakwento ni Mclaren na kailangan mo daw ng sasakyan para sa pagpasok sa school."
Lihim akong nainis sa narinig. Pati sa kaniya kinuwento pa ni Mclaren ang tungkol dun.
"Inoffer na ni Maserati ang motor niya. Iyon nalang siguro ang gagamitin ko." Sagot ko.
Ngumiwi siya na ikinataas ng isang kilay ko.
"Ang kuripot mo kasi. Hindi ka bumili ng isa pang kotse. Pa-luma na yang si Chiron." Pagtukoy niya sa kotse ko sabay sulyap dito.
Hindi ako umimik. Sanay na ako sa ugali nitong si Chevrolet. Actually, silang walo. Sanay na ako sa kanila.
Kung si Lotus ay pabebe at si Ford ay pakitang tao. Si Mazda ay nag aastang Kuya. Habang si Jaguar na mahilig manermon. Si Maserati na may sariling mundo. Si Mclaren naman ay lider-lideran at si Lamborghini na feeling gwapo. Lastly, itong si Chevrolet ay dakilang mapang-lait.
Palibhasa, bago siya maging racer dito sa Death Race ay mayaman na siya. Dumoble pa ngayon na kumikita siya sa sarili niyang pera.
"No thanks. May importante akong pinag iipunan." Pagsisinungaling ko.
Ang totoo wala akong pinag iipunan ng pera ko. Tinatabi ko lang yun sa bangko para hindi makuha ng mga kamag anak kong mukhang pera. Saka naniniwala akong magagamit ko ang pera na yun sa future.
"Okay, bahala ka." Tanging sabi ni Chevrolet at nilagpasan na ako. Nakita ko siyang diretsong naglakad palapit sa kotse niya.
Ang Chevrolet Corvette.
BINABASA MO ANG
Expedallion Crusader : BUGATTI (Completed)
Fiksi Remaja"Low class member." Iyan ang bansag kay Bugatti dahil sa madalas niyang poor performance sa pangangarera sa Death Race. Bukod dun, kilala din siya dahil sa average niyang itsura at sa pagiging tahimik dahilan para bumaba ng husto ang self confidence...