Si Allistair Torralba na yata ang pinaka-hambog na taong nakilala ko. Para siyang tao na mukhang hayop tapos ang asal ay mala-kanal sa baho. Sa sobrang yamot ko sa kaniya ay hindi ko na mabilang kulang ilang beses na ba kaming napunta sa guidance noong elementary palang kami. Super duper bully niya noon pa. At isa ako sa palagi niyang biktima.
"Bakla! Bakla! Bakla!"
Iyan ang palagi niyang sigaw noon pa. Nung una ay binabalewala ko yun pero hindi nagtagal ay napikon na ako. Simula noon naging mortal ko na siyang kaaway.
Nang maka-graduate ako ng elementary at nag highschool na ko. Akala ko, hindi ko na makikita ang pagmumukha niya. Kasi nga sa magkaibang school na ang papasukan namin. Kaya lang, nitong huling taon ko sa highschool saka ko siya nakita ulit.
Nag transfer ang mokong.
As usual, bumalik siya dati niyang gawi. Ang maging hambog at mambully ng mga estudyanteng tingin niya ay mahina.
Ang nakaka-tangina pa ngayon. Member din siya ng Basketball team ng Castelli Academy at close friends niya si Hercules. Kaya kanina nang magkita kami ay talagang naglakad ako palayo. Dahil ayoko ng makausap ang mokong na yun.
Nayayamot ako.
"Gab." Kalabit ni Billie sa akin.
Walang emosyon ko siyang tinignan.
"Nakahanap na kami ng damit na gagamitin mo para sa event."
Agad niyang dinampot sa lamesa niya ang ang kaniyang cellphone tapos ay ipinakita sa akin ang litratong nandoon. Malalim akong napabuntong hininga nang makitang itim na dress yun na kung susukatin ay lampas tuhod ko yata.
Maganda ang disenyo ng damit. Bagay sa gothic theme na gusto ni Maxine. Pero kapag naiisip kong ako ang magsusuot nito ay tila napapangitan na ako sa disenyo.
"Excited na ako. Si Maxine ang bahala sa make up mo. Akong bahala sa damit, sapatos at wig mo." Paliwanag niya na halata sa mukha ang excitement.
Hindi ko alam kung pinagti-tripan ako ng dalawang 'to. Dahil tuwang tuwa sila habang iniisip ang magiging itsura ko kapag naka-damit babae ako.
Tanginang Maxine kasi 'to. Daming arte.
Speaking of Maxine. Malapad ang ngiti nito ng sandaling makapasok dito sa room. Binati niya pa yung maiingay naming kaklase habang naglalakad palapit sa pwesto namin dito sa bandang dulo.
"Morning mga bestie." Bati nito sabay upo sa upuan ni Billie.
Wala silang permanenteng pwestong dalawa. Madalas sila magpalit palit ng upuan. Minsan, si Billie ang nasa gitna naming tatlo. Minsan naman si Maxine. Basta ako, na nanatili dito sa gilid kung saan ako unang umupo noong pasukan.
"Pinakita ko yung dress kay Gab. Nagustuhan naman niya." Pagkukwento ni Billie dito.
Agad akong napasimangot sa kaniyang sinabi. Bahagya namang natawa si Maxine bago tumingin sa akin.
"Wait mo lang, Gabby. Sure akong ikaw ang pinaka-maganda sa mga lalaki nating kaklase. At syempre ako naman ang magiging pinaka-gwapo."
Humalakhak pa siya matapos niyang sabihin yun. Natigil lamang siya nang hablutin ni Billie ang buhok niya.
"Huwag kang pakisiguro. Ako ang mas gwapo." Sabi nito.
Napangisi si Maxine.
"Sus, kaya ba gusto mo maging gwapo para mapansin ka ni Gio? Diba, mga type nun ay mga boyish like you." Pangangasar nito.
Nakita kong nagsalubong ang mga kilay ni Billie.
"Gaga ka. Matagal na akong boyish, 'no. Sinabi ko na sayo, hindi ko na crush yun. Kaya ako nag aplay sa team nila dahil sayang yun. Side line din." Si Billie na tila nagpapaliwanag dahil nahuli sa akto.
BINABASA MO ANG
Expedallion Crusader : BUGATTI (Completed)
Teen Fiction"Low class member." Iyan ang bansag kay Bugatti dahil sa madalas niyang poor performance sa pangangarera sa Death Race. Bukod dun, kilala din siya dahil sa average niyang itsura at sa pagiging tahimik dahilan para bumaba ng husto ang self confidence...