Malakas na tunog ng alarm clock ang nagpagising sa akin. Pagmulat ko ng mga mata ko ay bumungad ang kisame nitong kwarto ko. Nakangiwi akong bumangon at tahimik na iginala ang tingin sa paligid.
Naalala kong narito ako sa Death Race HQ. Wala ako sa bahay. Meaning, hindi ko maririnig ang maingay na boses ni Aling Tetay na may ari ng apartment kung saan ako tumitira. Bihira na nga pala akong umuwi doon dahil nag provide naman na nang matutuluyan si Boss Cosimo para sa aming lahat. So, dito nalang ako.
Itong tinutuluyan namin ay nasa 15th floor. Ang buong floor na ito ay okupado lang para sa lahat ng miyembro ng Expedallion Crusader.
Tumayo ako sa kama at pumasok na sa banyo. Mabilis kong ginawa ang morning routine ko. Matapos kong maligo ay nagpalit na ako ng damit. Seryoso kong tinitigan ang itsura ko sa salamin.
Hindi ako ganun kapayat. Hindi rin ganun kataba. Tama lang, kumbaga.
"Abnormal lang magkakagusto dito kay Bugatti. Tignan mo nga itsura nito."
Napailing ako ng sumagi sa isipan ko ang boses na iyon ni Mazda. Kagabi matapos ang match namin laban sa pipitsuging mga racers. Nakarating sa amin ang tsismis na kumakalat sa car racing industry na may kung sino daw sa Expedallion Crusaders ang nagkakagustuhan na mahigpit na pinagbabawal ni Boss Cosimo.
Sa asaran ng mga kasamahan ko ay napunta sa akin ang atensyon.
Ganyan naman sila. Dahil ako pinaka tahimik sa grupo. Ako ang laging tampulan ng asaran. Pasalamat sila hindi ako pikon. Hinahayaan ko nalang sila. Nakakatamad lang kasi makipag usap. Mas gugustuhin ko nalang matulog kaysa sakyan ang pangangasar nila.
Dinampot ko na ang backpack ko sa kama at diretsong lumabas ng silid. Tahimik kong binaybay ang daan patungo sa elevator. Napangisi ako nang mapansing napakatahimik pa ng paligid. Marahil ay nahihilik pa ang ilan sa mga kasamahan ko. Maingat akong pumasok sa elevator. Sumandal ako sa bakal na pader bago seryosong tumitig sa kawalan.
Araw ng lunes ngayon. Kilangan ko na namang pumasok sa eskwelahan dahilan bakit naaasar ako ngayon.
Bakit ba kasi kailangan ko pang mag aral? Sinabi ko naman na kay Miss Karin na ayoko ng mag aral pero hindi siya pumayag. Noong araw na mag usap kami ay binalaan niya ako na kung hindi daw ako magpapatuloy sa pag aaral ay ipapatanggal niya ako sa grupo. So, no choice ako kung hindi sundin siya.
Kainis naman.
Bakit ayoko ng mag aral? Bukod sa boring sa eskwelahan. Tingin ko wala din naman akong natutunan lalo na kakaiba ang eskwelahang napasukan ko. Ang mahalaga naman ay kumikita na ako ng pera at mag iipon nalang ako para sa future ko.
Mas gusto ko nalang na mangarera ng sasakyan kaysa mag aral.
Ting!
Bumukas ang pinto ng elevator at naglakad na ako palabas. Tumambad sa akin ang medyong maingay na paligid.
Kumpara sa floor kung saan kami nagkukwarto ng mga taga Expedallion ay dito sa first floor ng Death Race HQ ay maingay. Busy ang mga staff sa kani-kanilang mga gawain. Alam ng lahat ng empleyado ng Death Race kung gaano ka strikto ang aming Boss. Kaya nararapat lang na kumilos sila ng mabilis kung ayaw nilang mawalan ng trabaho.
Lumakad na ako palabas ng main door. Dahil mag co-commute lang ako patungo sa eskwelahan ay hindi ko na inabala pa ang aking sarili na pumunta sa pribadong garahe para sa aming mga Expedallion members. Diretso lang akong naglakad hanggang sa bahagya na akong nakalayo sa Death Race HQ. Huminto ako at muling nilingon ito. Sa kinatatayuan ko ay malinaw kong natatanaw ang napaka-taas na gusali ng Death Race HQ. Sa tabi nito ay may isa pang gusali na tinatawag namang Death Race International. Sa gusaling ito nagaganap ang kung ano-anong aktibidades namin. Kabilang na arena namin sa pangangarera.
BINABASA MO ANG
Expedallion Crusader : BUGATTI (Completed)
Novela Juvenil"Low class member." Iyan ang bansag kay Bugatti dahil sa madalas niyang poor performance sa pangangarera sa Death Race. Bukod dun, kilala din siya dahil sa average niyang itsura at sa pagiging tahimik dahilan para bumaba ng husto ang self confidence...