Mabilis na natapos ang limang araw na klase at dumating na naman ang sabado. Kaya walang pasok. Mananatili lang ako sa Death Race ng buong maghapon. Tinanghali na nga ako ng gising. Sakto namang nakatanggap ako ng tawag kay Billie. Ibinalita niya sa akin na ayos na sila ng kanyang pamilya. Kinausap daw siya ng Papa niya. Nag sorry daw ito sa lahat ng nagawa sa kaniya. Nangako daw itong igagalang na kung ano man ang gusto niya. Hindi na daw siya ipipilit nito kay Ryan.
Syempre bilang kaibigan ay masaya ako para sa kaniya. Damang dama ko yung kagalakan sa boses niya habang magkausap kami sa tawag.
"Hindi ko alam kung anong nangyari at bakit biglang nagbago ang isip nila. Pero masaya ako."
Sa narinig ay biglang sumagi sa isip ko si Kaizer at yung usapan namin noong nakaraan patungkol nga kay Billie.
Kinagabihan upang maliwanagan sa ibinalita ni Billie sa akin ay tinanong ko si Kaizer tungkol doon ng mag dinner kami pagtapos ng trabaho ko sa death race.
"Nangako akong tutulungan ko silang makabawi sa negosyo nila. Kapalit ay hayaan niya ang bunso niyang anak sa gusto nito." Pagkukwento ni Kaizer.
"Sa ganun lang, pumayag sila agad?" Hindi makapaniwalang tanong ko.
"Oo." Tipid niyang sagot.
Ayon pa kay Kaizer, matagal ng nalulugi ang negosyo ng pamilya ni Billie kaya upang makabawi ay nag alok ang magulang ni Ryan na tutulungan sila. Kapalit ay ipakakasal si Billie sa anak nila.
"Pero hindi ba, parang unfair 'to kay Billie? Kasi napilitan lang yung pamilya niyang tanggapin siya dahil sa inalok mo. Kumbaga, hindi talaga bokal sa loob nila ang pagtanggap sa kaniya." Nag alala kong tanong.
Napangiwi si Kaizer.
"Unfair nga siguro. Pero at least, magagawa na ni Billie ang gusto niya ng walang kumukontra. Magiging masaya siya. Ang pagtanggap naman, nasa proseso yan. Pamilya nila si Billie. Kahit gaano pa katagal. Hindi nila matitiis ito."
Napangiti ako sa narinig.
"Thank you dahil masaya na ulit si Billie."
Napasimangot siya.
"Ginawa ko yon para sayo. Dahil ayokong nakikitang na se-stress ka."
Napabungingis ko.
"Thank you pa din."
"Basta yung date natin bukas, 'ah."
Ngayong nabanggit niya yon ay naalala kong linggo bukas. At yun ang araw na usapan naming lalabas.
"Oo na." Tanging sagot ko.
Pag uwi ko sa HQ ko ay hindi agad ako nakatulog sa pag iisip tungkol sa magiging date namin ni Kaizer. Ito ang unang beses na gagala ako na hindi kaibigan ang kasama.
Kasi soon to be jowa yon.
Napailing iling ako sa naiisip. Hindi ko namalayang nakatulog na ako. Kinabukasan pag gising ko. Syempre ginawa ko muna ang morning routine ko. Naligo, nagpalit ng damit at nag almusal.
Naabutan ko nga si Mclaren na kasabay sa pag aalmusal yung isang member ng Bastard Devils na hindi ko matandaan ang pangalan.
Dahil si August, Zodiac at Cyber lang ang madaling kabisaduhin na pangalan sa kanila.
"Bro, si Bugatti. Isa sa pinaka-bata sa amin." Pakilala ni Mclaren sa akin dito.
Umupo ako sa bakanteng upuan sa tabi nito. Habang yung kausap naman niya ay nakaupo sa kabilang side ng lamesa at katapat pa niya.
BINABASA MO ANG
Expedallion Crusader : BUGATTI (Completed)
Teen Fiction"Low class member." Iyan ang bansag kay Bugatti dahil sa madalas niyang poor performance sa pangangarera sa Death Race. Bukod dun, kilala din siya dahil sa average niyang itsura at sa pagiging tahimik dahilan para bumaba ng husto ang self confidence...