CHAPTER 45

1.7K 48 2
                                    

Sa pitong match namin laban sa Tiago Rios. Halos lima doon ang talo. Dalawa lang ang ipina-nalo namin. At tanging ang grupo lang nila Lambo, Cyber, Yohan at Mclaren ang nanalo.

Bukod dun, karamihan pa ay may mga natamong galos at sugat. Over all ang pangit ng performance namin. Kaya pagbalik ko galing sa mansyon nila Kaizer ay agad nagpatawag ng meeting si Boss Cosimo.

Halos lahat kami walang imik na nakatitig lang sa kanya. Bakas namin sa mukha niya ang pagkadismaya. Hindi ko tuloy mapigilang ma-guilty. Gayunpaman, hindi daw siya galit sa amin. Dahil alam naman niyang ginawa namin ang lahat ng aming makakaya pero sadyang magaling lang talaga ang kalaban kaya kami natalo. Kahit paano ay nakahinga ako nang maluwag sa huling sinabi niya na...

"Hindi pa naman ito ang huli. Umpisa palang ito ng pagdagsa ng mga grupong gusto kayong kalabanin. Kaya sana, next time ay manalo na kayo."

Matapos ang meeting na yun ay mga lantang gulay kaming lumabas ng kanyang meeting room.

Kaming mga miyembro ng Expedallion ay ipinatawag naman ni Miss Karin sa sarili nitong meeting room sa HQ para kausapin. Doon ay pinuri niya kami. Kahit paano daw ay naging maganda ang performance namin although, karamihan nga sa amin ay talo.

"Ayos lang yan. Hindi ninyo kailangang malungkot. Hindi kabawasan yun sa skills na meron kayo. Marami pang chance para bumawi." Pagpapagaan niya ng loob namin.

Hindi naman kami umimik. Napangiti lang kami dito. Nang magpaalam si Miss Karin na aalis dahil kakausapin daw siya ni Boss ay naiwan kaming pito na nakatitig sa bawat isa. Pansin kong nakabusangot ang mukha ni Lambo at Mazda. Habang si Maserati at Ford ay tahimik lang na nakatulala. Si Mclaren naman ay panay ang iling. Si Lotus ay pasipol-sipol na tila kalmado.

"Guys, cheer up. Sinabi naman na ni Miss Karin at ni Boss Cosimo na ayos lang na matalo tayo sa ngayon. Pwede pa tayong bumawi." Sabi ni Mclaren.

Napailing ang katabi niyang si Mazda.

"Hindi mo maa-alis sa amin na hindi ma-apektuhan. Isipin mo ba naman, Tiago Rios yung nakalaban natin. Sikat sila sa labas. Ngayong natalo nila tayo, tingin ko kahit paano kabawasan yun sa pride natin bilang regular racers ng Death Race."

Napatango si Lambo na katabi lang nila sa upuan.

"Yep. Kabawasan talaga sa pride." Pagsang ayon nito kay Mazda.

Kumuno ang noo ni Lotus na nasa tabi din nila.

"Bakit masama din loob mo? Nanalo kayo, remember?" Tanong nito kay Lambo.

Napailing ito sa kanya.

"Si Cyber yung nagpanalo. Hindi ako. Saka nonsense din yung panalo niya dahil over all na resulta. Talo pa din tayo." Sagot nito.

Habang silang apat nag uusap usap. Kami nitong mga katabi ko na si Maserati at Ford ay nanatiling walang imik.

"Nagtataka ako kay Zodiac, 'eh. Bakit natalo ang isang 'yon? Samantalang, sobrang galing nun." Pagbanggit ni Lotus kay Zodiac.

Nakita ko kung paano sabay na mapatitig si Mazda at Lambo kay Maserati. Nag angat naman ito ng tingin sa kanila.

"Oh, bakit ako?" Taka nitong tanong.

Ngumisi si Lambo.

"Last week ko pa napapansin na may nagbago sa inyo ni Zodiac. Nag away kayo?"

Hindi nakasagot si Maserati sa tanong ni Lambo. Napailing naman ako.

"Tigilan mo nga yang pagiging tsismoso mo." Saway ko dahilan para mapairap ito.

"Inaway niya yata si Zodiac. Kaya distracted 'yon." Sabat ni Ford.

Expedallion Crusader : BUGATTI (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon