CHAPTER 15

1.7K 64 17
                                    

Kahit kailan ay hindi ko pa na try na magsuot ng damit ng babae. Kaya kinakabahan ako kung babagay ba sa akin yung dress na napili ni Maxine at Billie para sa event bukas. Gusto ko man tumanggi ay wala akong choice. Kapag hindi naman ako sumali. Aasarin lang ako ni Maxine na napaka-Kill Joy ko.

Kaya bahala na.

Dahil bukas na nga mangyayari ang event ay mas lalong naging busy si Maxine. Yung ilang gagamitin nga para sa booth ng section namin ay nandito na sa classroom. Tulad ng mga lamesa at upuan na pangkaraniwang ginagamit talaga sa mga coffee shop. Pati nga yung mga ide-disenyo sa bawat sulok nitong room ay naka-ready na din. Halos silang mga babae ang gumawa no'n habang kaming lalaki ang nagbuhat ng mga lamesa at upuan.

Yung mga upuan nga lang ang binuhat ko dahil mabigat yung mga lamesa. Hindi naman sila nag reklamo dahil alam nilang hindi kaya ng mga braso ko yun.

Ang bigat kaya.

Ang gulo-gulo na nga ng classroom namin. Buti nalang ay wala naman ng klase dahil nga binigyan kami ng oras para makapag-prepare ng mga gagamitin para bukas.

Nang sumapit ang tanghalian ay kani-kaniyang kulasan ang mga kaklase namin sa classroom. Huli kaming tatlo na lumabas dahil ang tagal-tagal ni Maxine kumilos.

"Excited na ako talaga." Nakangiting sabi ni Maxine.

Kasalukuyan na kaming naglalakad papuntang Cafeteria para kumain ng tanghalian. Hawak-hawak ko na nga ang sikmura ko dahil kanina pa ako gutom.

"Ang bilis ng araw, 'no? Bukas na talaga yun magaganap." Sabi ni Billie na ang tingin ay nasa cellphone niyang hawak.

Napatango ako bilang pagsang ayon.

Tama siya. Ang bilis na lumipas ang mga araw. Naalala ko bigla na malapit na pala yung big announcement ni Boss Cosimo patungkol sa binubuo niyang grupo. Tingin ko baka mangyari na yun this week.

"Teka si Kaizer ba yun?" Rinig kong tanong ni Billie kaya napatingin ako sa kanila.

Ngayon ko na napagtantong nauuna pala silang dalawa sa akin. Pareho silang napahinto sa gitna ng kalsada at may kung sinong tinitignan.

"Si Kai nga yan, tange." Sagot ni Maxine.

Nang maglakad ako palapit sa kanila ay agad kong tinuon ang tingin sa tinitigan nila. Mula sa kinatatayuan namin ay kitang kita ko si Kaizer na naglalakad papalayo habang kasama ang isang babae. Nakahawak pa ang isang kamay nito sa kaliwang braso ni Kaizer.

"Girlfriend niya ba yun?" May kuryusidad na tanong ni Billie.

"Hindi siguro." Sagot ni Maxine bago pinatong ang isang kamay sa kanang balikat ko.

Sus. Di daw girlfriend? Eh, bakit may pahawak pa sa braso.

Eh di wow.

Iritadong inalis ko ang kamay ni Maxine sa balikat ko.

"Tara na. Gutom na ako." Sabi ko at tinalikuran na sila. Naglakad na ako palayo. Naramdaman ko naman ang pagsunod nila.

Nang makarating kami sa Cafeteria ay nandun na sila Allistair. Tulad ng pinangako nito ay nilibre niya ako ng tanghalian. Kita ko pa nga sa mukha ni Hercules ang pagtataka. Senyasan ko nalang siya na huwag maingay dahil kakain na ako at ayoko ng distraction.

Ang kaso lang, na di-distract ako sa mga tingin ni Allistair.

Kami kasi ngayon ang magkatapat. Napapagitnaan nila ni Hercules, si Gioffer.  Habang napapagitnaan naman namin ni Billie, si Maxine.

"Anong theme ninyo sa event bukas?" Pagbasag ni Maxine sa katahimikan.

Napansin kong nagkatinginan ang tatlo sa isat isa bago magkakasabay na tumawa.

Expedallion Crusader : BUGATTI (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon