Sa pagkakatanda ko, ten years old yata ako nang malaman kong wala na akong magulang. Palaging sinasabi ni Auntie na siya na daw ang pamilya ko kasama ang asawa niya kaya dapat magpasalamat daw ako dahil sa pagkupkop nila sa akin. Mag aral daw akong mabuti para pagdating ng araw may marating ako sa buhay tapos tutulungan ko silang yumaman.
Mahirap na magulo ang naging buhay ko kasama sila. Pero kahit paano ay masasabi kong swerte pa din ako kumpara kay Allistair.
Kahit may kaya siya sa buhay dahil sa Step Father niya. Hindi niya magawang maging masaya dahil sa pandidiring ginawa nito.
Masiyahin siya sa school pero deep inside may dinadala palang problema. Hindi ko tuloy alam pero parang gusto ko nalang kalimutan yung pang bu-bully niya sa akin noon. Mukhang kahit paano ay nagawa niyang ma-realized na nagkamali siya. Kaya nga pinilit niyang magbago.
Nanghingi pa nga siya ng sorry sa akin.
"Salamat, Gab." Sabi niya nang makababa ako ng motor niya.
Nag commute lang ako kanina nang magkita kami kaya nag presinta siyang ihatid ako pauwi. Pasado alas syete na nga ng gabi. Halos limang oras din kaming magkasama.
Para kaming nag date.
"Dyan ka nag tatrabaho?" May kuryisidad niyang tanong bago itinuro ang mataas na building ng Death Race sa di kalayuan.
Hindi ko alam kung alam ni Allistair ang tungkol sa Death Race. Mukha naman kasing hindi sikat sa school namin ang car racing. Wala silang pakialam dun at walang estudyanteng mahilig sa ganun kaya masasabi kong safe ang sikreto ko doon. Basta ang alam nila Maxine ay nagtatrabaho ako doon pero wala silang ideya na literal na ngangarera ako.
"Oo, staff ako dyan." Sagot ko.
Tumango lang siya habang nanatiling nakasakay sa motor niya.
"Sige na. Gabi na. Baka may trabaho ka pa."
"Sige. Salamat din." Nakangiting sabi ko bago tinalikuran na siya.
Pero hindi pa ako nakakalayo ay may naalala akong sabihin. Huminto ako sa paglakad at agad siyang nilingon. Nakita ko namang nagulat siya.
"Bakit?" Taka niyang tanong.
Muli akong napangiti.
"Mag aral ka ng mabuti ng yumaman ka sa future. Tapos saka mo bawian yung Step Father mo. Tutulungan pa kita."
Napahalakhak siya sa sinabi ko bago tumango tango.
"Yup, yan ang balak ko. Sa ngayon, magtitiis muna ako."
Ako naman ngayon ang napatango.
"Sige na. Aalis na ako. Ingat ka." Paalam ko at tuluyan na siyang tinalikuran. Naglakad na ako palayo. Mabilis akong nakarating sa HQ tapos ay sumakay na ng elevator.
Pagdating sa kwarto ay naligo na ako at nagpalit ng damit. Saktong alas nwebe ng gabi ko naisipang pumunta na sa Death Race building dahil kumain pa ako. Mahirap makipagkarera ng gutom lalo na at ako ang huling sasalang ngayon.
Maaga akong pumunta sa underground garage para dito nalang maghintay ng oras. Nadatnan ko nga dito si Mazda at Mclaren na kausap si Zodiac at Cyber. May kasama pa silang tatlong lalaking staff ng Death Race.
Close na yata sila sa mga 'to?
Hindi na ako naki-tsimis pa sa kung anong pinag uusapan nila. Dumiretso na ako sa Bugatti ko na nakaparada sa usual spot nito katabi ang kotse ni Ford. Sa pagkaka- alam ko, maaga ang match ng babaeng yon.
Speaking of Ford.
Kinuha ko sa bulsa ng pantalon ko ang cellphone ko. Mabilis akong nagtipa doon ng mensahe kay Ford.
BINABASA MO ANG
Expedallion Crusader : BUGATTI (Completed)
Teen Fiction"Low class member." Iyan ang bansag kay Bugatti dahil sa madalas niyang poor performance sa pangangarera sa Death Race. Bukod dun, kilala din siya dahil sa average niyang itsura at sa pagiging tahimik dahilan para bumaba ng husto ang self confidence...