CHAPTER 25

1.6K 50 10
                                    


(Paalala: May ilang salita na hindi kanais nais basahin. Pag unawa ang kailangan.)


Nagsimula ang klase na hindi ako makapag focus. Tahimik akong nakatitig kay Billie na seryoso lang nagsusulat sa notebook niya habang nakikinig sa Teacher namin. Hindi kasi ako sa naniniwala sa mga sagot niya.

Ang sabi niya, naisipan niya lang daw magpagupit ng short hair. Seriously? Agad-agad nag decide kang magpagupit. Samantalang long hair ka pa kahapon. Saka, yung gupit pa. Sobrang ikli na gupit lalaki na. Kulang nalang kalbuhin ka na eh.

Ang nakaka-bother pa. Yung klase ng gupit. Uka-uka. Hindi man lang inayos.

Tapos heto pa. Yung mga galos niya sa leeg. Hindi iyon basta-basta nakukuha ng hindi sadya unless kapag intensyong may matulis na bagay ang lumapat doon.

Seryoso akong napatitig ulit sa leeg niya at ilang segundo lang ay napakurap kurap ako nang may mapagtanto.

"Gab?" Tawag ni Billie na nakapagbalik sa akin sa kasalukuyan.

Nakakunot ang noo nito sa akin.

"Ayos ka lang?"

Peke akong tumango.

"Ikaw ba, ayos ka lang?" Balik kong tanong sa kanya.

Sagli siyang natahimik bago ngumiti.

"Oo naman. Ayos lang ako." Sagot nito sabay himas ng batok niya.

Sinungaling.

Hindi sinasadyang nadako ang tingin ko sa kaliwang kamay niya. Naningkit ang mga mata ko nang makitang may sugat ang pulso nito. Mukhang napansin naman niya ang nakita ko kaya agad niyang ibinaba ang kamay.

"Quiet." Saway ni Maxine sa amin kaya natawa nalang si Billie.

Nanatili naman akong walang imik. Hanggang sa sumapit ang tanghalian. Magkakasabay kaming tatlo na nagtungo sa Blue Cafeteria. Sakto namang nandun na yung anim at naghihintay. Nakapwesto sila sa usual spot namin dito sa Cafeteria. At yung seating arrangement namin ay katulad ulit nung kahapon.

"Binilhan na kita ng pagkain mo." Bungad ni Kaizer nang makaupo ako sa tabi niya.

Tumango lang ako kaya kinuha niya sa akin ang bag ko tapos itinabi niya yon sa kanya.

Napansin kong may mga pagkain na sa lamesa. Mukhang binilhan na nila kami ng makakain.

"Billie naman, bakit ka nagpagupit?" Dismayadong tanong ni Gioffer kay Billie.

"Ang pangit, Bill." Natatawang komento naman ni Hercules.

"Yan ang din ang sabi ko." Pagsang ayon ni Maxine.

"Okay na yan para presko." Si Allistair na sinamaan ng tingin si Hercules dahil kinukuhaan na naman siya ng ulam tulad kahapon.

Mahilig na sila magkuhaan ng ulam.

"Ah, trip ko lang." Sagot ni Billie na halata sa mukhang hindi kumportable sa mga tanong sa kaniya.

"Ipa-ayos mo sa barber shop ng gumanda." Suhestyon naman ni Zeno.

"Para ka ng lalaki nyan." Nakangising puna ni Wilhem.

"Tomboy kamo." Hirit ni Gioffer kaya sinamaan ko ito ng tingin. Kumunot naman ang noo niya sa akin.

"Ew, kadiri. Hindi tomboy, 'to." Si Maxine na inakbayan pa si Billie.

Napairap ako sa narinig.

"Maxine, kung maka-kadiri ka naman." Sabi ko.

Expedallion Crusader : BUGATTI (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon